1. Chocolate Drink

77 6 1
                                    

Chapter One: Chocolate Drink

Sluuuurrrp. Sluuuurrrpp.

Napatitig ako sa binili kong chocolate drink sa nadaanan kong café kanina. Ngumiwi ako. Masarap nga atsaka pampatanggal ng uhaw pero putek, bakit ang tamis? Ang tamis tamis, sinasabi ko sainyo. Para lang akong umiinom ng pinalamig na asukal na chocolate-flavored. Ka-umay.

Hindi na ako magtataka kung bakit may iilang langgam na pabalik-balik rito sa lumang mesa ng public library.

Lumingon ako at nilibot ng tingin ang paligid (nasa public library ako dahil dito raw kami magkikita ni Hetty, kaibigan ko) bago ko tiningnan ulit ang hawak kong plastic cup na may pampa-diabetes na inumin.

Sa panahon ngayon, kokonti nalang talaga ang pumupunta sa mga library na ganito, o kahit na anong library. Syempre, nandiyan na ang internet, eh. Search nalang sa Google, basa basa nalang sa Wattpad.

May mga iilan lang dito na nakaupo sa harap ng librong nakabuklat, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung babaeng nakaupo mag-isa sa sulok at may suot na rabbit ears. Kulay pink pa.

Sa pagkakaalam ko, hindi pa Halloween para mag-costume. O baka natripan niya talagang magsuot ng ganun. Okay lang naman. Bagay sa kanya. Cute pa nga, eh.

Napailing ako sa naisip ko. Kaka-friendzone lang sa akin ni Winter (may boyfriend na pala yung tao) pero nandito na naman ako at tumatarget ng babaeng alam kong wala naman akong pag-asa.

Ang hirap talaga kapag kulang ka sa confidence, eh, ano. Hindi kasi ako ma-appeal (puta ang drama mo, Hans) at naturingan pang Hans Sam ang pangalan ko.

Maloko kasi ang nanay at tatay ko, ayun naidamay pa tuloy nila ang pangalan ko. Ayos lang, at least napapangiti at napapatawa ko ang mga kaklase ko tuwing ini-introduce ko ang sarili ko sa first day noong elementary pa lang ako.

Tumayo ako at napagdesisyunan na itapon itong chocolate drink ko. Sayang yung bente ko, kaso nakaka-umay talaga.

Putek, ang layo pala ng basurahan sa inuupuan ko. Nalampasan ko pa ang tatlong shelves bago ko nahanap ang mahiwagang basurahan.

Handa ko na sanang i-shoot sa basurahan ang inumin kaso punyeta, hindi ko naituloy dahil may nagsalita.

"Masama 'yan," narinig kong sabi ng babae sa kaliwa ko. Napa-atras ako nang makita ko yung babaeng naka-rabbit ears na nakatingin sa akin at may hawak na libro. Putek!

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako ba?" Tinawanan niya ako.

"Ikaw nga," sagot niya. "Wala naman sigurong multo rito at matino pa rin naman ang pag-iisip ko para kausapin ko ang sarili ko."

Puta. Kanina naku-kyutan lang ako sa kanya, ngayon kinakausap niya na ako. Hetty, parang-awa mo na, huwag ka munang dumating!

Tumingin siya sa hawak kong plastic cup. Oo nga pala, hindi ko pa ito natatapon. "Maraming bata ang nauuhaw, maraming tao ang naghihirap, pero ikaw, itatapon mo lang 'yan."

Napahawak ako sa batok ko nang makaramdam ako ng hiya. "Ah . . ." Tangina, Hans. Mag-isip ka agad ng palusot. "Sino nagsabing itatapon ko 'to?" Kumuha ako ng libro at pinilit ko pa ang sarili kong inumin ulit ang lintik na tsokolate. "Naghahanap lang din ako ng libro! Hehe!"

Magaling. Magaling, Hans. Hindi siya mukhang kumbinsido.

Tumaas ang kilay niya pero nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa. "Get A Guy in Two Weeks?" Nakatingin siya sa librong hawak ko. Naguluhan ako. "Hindi ko alam na lalaki rin pala ang gusto mo, Hans Sam."

Kahit labag sa kalooban ko, binasa ko ang titulo nung libro. Pagkabasa ko, muntikan ko nang ihagis yung libro kasama ng inumin ko sa basurahan. Putangina. Shit. Doble pahiya.

Get A Guy in Two Weeks nga ang nakalagay.

Narinig ko ang pagtawa niya nang mapamura ako nang mahina. Humigpit ang hawak ko sa plastic cup. Naisip ko pang gumawa ulit ng palusot kaso sa tingin ko hindi ko na ata mapagkakatiwalaan ang sarili ko pagkatapos ng nagawa ko ngayon lang.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat." Nakangiti nalang siya. Ang cute niya talaga. "At least sinubukan mong magpalusot."

Wala, bistado na.

Wala na akong masabi. Try niyong mapahiya nang tatlong beses sa harap ng isang cute na babae, tingnan natin kung may masabi pa kayo. Kahit pa Hans Sam ang pangalan mo, mahihiya ka talaga.

Teka. Speaking of Hans Sam, tama ba yung narinig ko kanina? Sinabi niya ang pangalan ko. Kilala niya ako. Puta! Kilala ako nitong si cute!

"Bakit mo alam ang pangalan ko?" kalmado kong tanong.

"It's interesting," sagot niya. "Saka kilala ka ng mga kakilala ko."

Kumunot ang noo ko. Kakaonti lang ang nakakakilala sa akin sa Jones High, pero wala naman silang nababanggit sa akin na babaeng kagaya niya. Hindi kaya gusto ng mga gagong yun na masolo siya? Kaso hindi rin naman ata yun, may mga girlfriend na yung mga yun, eh.

"Taga-Jones ka rin pala?"

Nakita ko ang pagtango niya bago ako lumingon nang marinig ko ang boses ni Hetty. Wrong timing talaga. Pucha, nandoon na, eh. May topic na ako.

"Nandito ka lang pala, kanina pa ako naghahanap," naiirita niyang sabi sa akin. Huminto siya nang makita niya ang babaeng kausap ko. "Felicia!" Para bang gulat na gulat siya na nandito si... Felicia?

Teka, teka. Tiningnan ko ulit yung babae at nanlaki ang mga mata ko. Siya yung Felicia? Si Felicia Claws?!

Lumaki ang ngiti ni Felicia at nagsalitan sila ng bati. "May pupuntahan ata kayo ni Hans?" tanong niya kay Hetty.

"Oo eh." Magsasalita pa sana si Felicia kaso hindi niya naituloy dahil kay Hetty. "At hindi, hindi kami magde-date." Hinawakan ako ni Hetty sa braso. Mukhang handang-handa na siyang umalis dito.

Tiningnan ko si Hetty. Paano naman niya nalaman na yun nga ang itatanong ni Felicia? Baka isipin pa niyang nag-aassume itong si Hetty. Kaso mukhang mali ako dahil natawa lang yung babaeng may suot na pink na rabbit ears.

"Wala naman akong iniisip na ganun, Hets!" Ngumiti na naman siya. Syet. "Sige na nga, aaminin ko, slight lang." Tapos ay tumawa ulit siya.

Nakita ko ang ngiti ni Hetty na nasa gitna ng ngiwi at peke. Sus, ngumiti ka pa.

Pinigilan ko ang sarili kong umiling sa reaksyon ni Hetty at tiningnan nalang ang mukha ni Felicia. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pala yung madalas na pinag-uusapan nila Hetty at ng iba pa naming kaibigan na babae. Wala naman akong nakikitang masama sa kanya. Bakit kaya ganoon nalang kung husgahan nila ang babaeng ito?

Hinatak na ni Hetty ang braso ko. "Sige, Felicia, mauna na kami," sabi niya bago niya ako hinila palabas. Nagpahila naman ako kay Hetty kahit na gusto ko pang kausapin si Felicia. Si Hetty naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Bye, Hets!" Narinig ko ang mahinang pagbulong ni Hetty ng "puta" sa tinawag sa kanya ni Felicia. "Bye, Hans!"

Nginitian ko siya bago kami tuluyang makalabas ng library.

—————✦

Het, het! Hooray! T^T sorry sa lame na joke *cringe* Presenting Hans Sam!!!

Het, het! Hooray! T^T sorry sa lame na joke *cringe* Presenting Hans Sam!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

those blue eyes tho... bye world

MisinterpretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon