2. Hets and Feling

52 4 1
                                    

Chapter Two: Hets and Feling

Nakatingin ako sa inumin kong tsokolate na hindi ko pa natatapon. Hindi ko makalimutan yung itsura niya kanina-ni Felicia-ang ganda-ganda lang ng ngiti niya. Kaso masyado siyang maputla. Bihira nalang ba niyang makaharap ang araw?

"Tae talaga." Binaling ko ang tingin ko kay Hetty na walang ngiti sa mukha. Tiningnan niya rin ako at naintindihan niya na nagtataka ako kung bakit bigla nalang niyang binanggit ang salitang tae. "Narinig mo ba yung tawag niya sa'kin? Hets!" Napangiti ako. "Jusko, huwag mo 'kong tawanan, ha. Walang nakakatawa!"

Natawa na nga ako nakatanggap tuloy ako nang pamatay na tingin. "Wala namang masama dun, ah. Cool kaya." Pinakita niya sa akin ang gitnang daliri niya. "Hetsu! Hetsu!" pang-aasar ko pa sa kanya. Kunwari bumabahing ako.

Mas sumama ang tingin niya sa akin pero nginitian ko lang siya. "Hintayin mo lang na makarating tayo sa bahay ni Marco, tatamaan kita ng kaldero."

Tumaas ang dalawa kong kilay. Kung makapagsalita siya, parang kaya niya. "Sige ha, aabangan ko 'yan. Tingnan natin kung ano magiging tingin ni Thañel sa'yo."

Si Nathañel ay ang long time crush nitong si Hetty. Hindi ko nga alam kung ano na ba ang nangyayari sa kanila, eh. Parehas sila ng nararamdaman pero mukhang naghihintayan pa sila kung sino ang unang bibigay. Daming pakulo.

Inirapan niya ako. "Kung mahal niya ako, mahal niya dapat ang tunay na ako." Aba hanep.

"Edi mamamatay tao ka pala?"

Nakita ko sa mukha niya ang pagkalito. "Pinagsasabi mo?"

"Kasi diba sabi mo tatamaan mo ako ng kaldero mamaya? Edi malamang nagka-internal bleeding na ako nun." Nginitian ko siya. "Boom patay."

"Shut up ka na nga lang," sabi niya at mas binilisan pa ang paglalakad. Napailing nalang ako at natatawa sa kilos niya. Hindi na nga niya ako kinausap pa hanggang sa makasakay kami ng jeep.

Pagkarating namin ni Hetty sa bahay ni Marco ay agad kaming sinalubong ng mga bati at yakap. Hindi na ako nagtaka. Isang buwan na rin ata kami hindi nagkita-kita. Natural lang na maging wild itong mga babae pagkakita sa isa't isa.

"Tumangkad ka!" sabi ni Ria pagkakita sa akin. Malapit na nga akong umabot ng 6'1. "Humaba rin ang buhok mo," dagdag pa niya. Natripan ko kasing paabutin hanggang balikat itong buhok ko. Style lang. Wala rin kasing haircut na required sa Jones High, sayang kung hindi ko manlang sasamantalahin yung freedom na mamili ng sarili kong haircut.

"At hindi ka pa rin tumatangkad," komento ko. Sumimangot siya kaya tumawa ako. "Biro lang. Mga half inch, pwede na."

Biglang sumulpot si Juno na tumatawa. "Magbago man height niya, yung pagtingin ko sa kanya ganun pa rin." Nakarinig naman kami ng pagmumura at hiyawan dahil sa binitawang banat ng gago. Natawa naman ako at nakipag-handshake sa kanya.

"Lakas mo bro," sabi ko sa kanya na tinawanan niya lang.

Tiningnan ko ang lahat ng nandito at saka ko lang naintindihan ang sitwasyon ko. Punyeta, ako nalang ba talaga ang single sa barkada namin? Lahat may mga buhay-pagibig. Mali ata ako ng pinuntahan.

Narinig ko nalang ang boses ni Rosette sa tabi ko. "On behalf of our single brother here, Mr. Hans Sam," sabi niya at inakbayan ako. "Ako na ang magsasabi na iwas harutan muna. Maawa naman tayo sa higanteng nilalang na ito." Tinapik pa niya nang dalawang beses ang balikat ko.

Tumawa ang mga kasama ko. Tangina. Ano ba ang meron at kaagad na nakakahanap ng buhay pag-ibig ang mga taong ito?! Ino-order ba nila sa Amazon ang lovelife at ganoon nalang kadali sa kanila ang makatagpo?

MisinterpretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon