Kahit Ako Nalang

33 1 2
                                    

di naman tayo ganto talaga

masaya naman tayo nung umpisa

kumplikado man ang relasyon natin

sinabi ko na sa sariling

"wala nang ibang hahanapin"

alam mo ba kung gaano ka kahalaga?

di nga lang mahalaga, mahal kita sobra

kahit sa salita di ko mabigkas

hiling ko nga wala nang bukas

para di na to magwakas

pero kahit di mo sabihin ramdam ko

mismong pakikitungo mo sakin nagbago

di ko alam kung saan ako nagkulang

lagi ko namang sinasabing "kahit ako nalang"

may masabi lang ako iinit na ulo mo

sinusuyo naman kita pero nag aaway parin tayo

yung tipong wala namang patutunguhan

basta meron mapag awayan

nakakapagod ding umako

yun bang ako nalang ng ako

di naman ako nagrereklamo

iparamdam mong mahal mo ko

yun lang naman ang hiling ko sayo

pag may tampuhan sino nag kulang?

sige kahit ako nalang

hihingi ng tawad pag my iringan?

sige kahit ako nalang

dapat sisihin pag may nasaktan?

sige kahit ako nalang

lahat ng ito kaya kong tiisen

gusto ko lang marinig na saiyo to manggaling

"mahal kita kahit alam kong hindi tama

salamat sa pagmamahal at pag unawa

di man nila tanggap ang ating mundo

mahal na mahal parin kita

wala sanang magbago"

tao din ako mahal ko

nasasaktan at marunong sumuko

may ipinaglalaban pa ba ako? yung totoo?

o iniisip mo naring iwan nalang ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit Ako NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon