"Break na tayo"Mula sa kawalan bigla nalang sinabi mo
Ano nanaman ba ito?
kasisimula palang na araw ko sa busy kong trabaho.Kakatapos ko nga lang mag coach ng late na ahente
Maningil ng tag bebente
Makipag usap sa mga boss na papalit-palit at di ma permanente.Pero teka.. Kalma..
Baka mali lang ako nang narinig.
Ibinaba ko ang headset ko tumingin sayo
Aking itinuon
ang atensyon
at buong puso akong makikinig
Ayaw bumukas ng aking bibigMga labi ko'y takot
na bigkasin ang tanong na "ano yon pakiulit?" Pero kailangan ko nang sagot.Ano nanaman bang nakain mo bakit bigla kang nagka ganyan?
Pabago bago ka ng pagkatao
naku mukang masama na yan.Kanina lang ang tamis mo at nahiya nga sayo ung langgam sa dami nang asukal mo na naimbak
Me nalalaman ka pang to infinity and beyond at i love you to the moon and back
Tapos ngaun ganito na?
Nalalabuan ako talaga.
Baka gutom ka lang
Kumain ka muna kaya?O baka ikay nabibigla
Wala akong maalala na mali kong ginawa.Napasilip lang ako sa hita nyang maputi saglit pero inalis ko agad
Dahil alam kong isa yong kasalanan magagalit si God.O baka naman dahil yan sa sinabi kong nagandahan ako sa kilay nung isang ahente?
Na pwede sanang miss universe kung hindi lang sya naging lalake?My gally! Ano ba naman yan
Ano kami starwars? Mag eespadahan?O baka naman nagalit ka doon sa joke ko na corny
Anong tawag sa lalakeng maraming sungay?Edi Horny
Andaming tanong sa isip ko ang hndi ko masabi.
At nagtataka ako dahil nagtataka ka kung bakit ako nagtataka na nagtataka ka. Aaahhh ang gulo diba?
Nagtataka ako kasi hndi ka naman galit
Ung ngiti mo hindi naman pilit
At bakit mo hawak ang tumbler at pitaka mong maliit?Lahat nang lakas ng loob ko inipon ko para maitanong ko sa iyo?
Bakit ayaw mo na ba? Hindi ka na ba masaya?
At nakuha mo pang tumawa? Lalo ka tuloy gumagandaHinanda ko ang sarili kong palayain ka
Nang simulan mong ang iyong bibig ay ibuka
Ramdam ko ikay mag papaalam na.At sabi mo
"Tanga ka?!! 7:45 na kaya break na tayo!"
Sabay talikod at lumakad palayo"Sasabay ka ba?" Nakangiting sabi nya
Naalala ko break na nga pala
Tapos mamaya
Lunch na.
BINABASA MO ANG
Break Na Tayo
RomanceSpoken Words by: Wilson Mendoza This is my first attempt to write a spoken word. Hope you like it