"Fuck. Fuck. Fuck." walang humpay na bigkas ni Ezra habang tumatakbo sa gitna ng malakas na ulan.
"Wait!" sigaw nya para maabutan ang isang bus."Goddammit, Zeus. You must hate me, don't you?" sarili nya lang talaga ang kausap nya, hindi ang God of Thunder.
Nung makasakay sya sa bus, inobserbahan ni Ezra ang paligid, "Oh fuck." ang sabi nya nung mapansin niyang wala nang bakanteng upuan.
Awkward. Sya lang ang standing sa bus. Pero may isang medyo gwapong lalaki ang nag offer sa kanya ng upuan. "No, thanks." masungit na pagtanggi ni Ezra.
Iniisip ni Ezra na nagpapa-cute lang sa kanya ang medyo gwapong lalaki kaya tinanggihan at sinungitan nya ito.
Mayamaya pa ay may sumakay na isang matandang lalaki.
Hindi na masyadong awkward. May kajamming na si Ezra sa pag standing sa bus.
Pero agad na inalok ng medyo gwapong lalaki ang kanyang upuan sa matanda. At tinanggap naman ito.
"Oh" bulong ni Ezra sa sarili nang kanyang marealize na hindi pala nagpapa-cute ang medyo gwapong lalaki at mabait lang talaga ito.
Kinilatis ni Ezra ang medyo gwapong lalaki. Tinignan nya ito mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo.
Ang payat nya. Mukhang mas kailangan nya pang nakaupo kesa sa matanda eh, ang panghuhusga ni Ezra sa pangangatawan ng medyo gwapong lalaki.
Napansin ng medyo gwapong lalaki na nakatitig si Ezra kaya napatingin ito sa kanya.
Pero in fairness gwapo sya, ang panghuhusga ni Ezra sa itsura ng medyo gwapong lalaki.Tahimik na nakatayo si Ezra at ang medyo gwapong lalaki sa isang bus ride. Sinusulyapan nila ang isa't isa pero hindi nagkakasalubong ang kanilang mga mata dahil umiiwas ng tingin ang isa kapag tumingin na ang isa.
Mabilis ang takbo ng bus. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ng medyo gwapong lalaki, hindi dahil sa takot na baka may holdaper sa bus, kundi dahil sa kilig dahil may isang magandang dalaga ang nakatayo sa tabi nya.
Mabilis ang takbo ng bus. Bumibilis na rin tibok ng puso ni Ezra.
Mabilis ang takbo ng bus. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ng medyo gwapong lalaki dahil tila tinamaan sya ng pana ni Kupido.
Mabilis ang takbo ng bus. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ni Ezra. Pumikit sya at nagdasal kay Bathala.
Pagmulat ng mga mata ni Ezra, ang medyo gwapong lalaki ay nakayakap na sa kanya.. walang malay, sugatan tulad ng iba pang mga pasahero.