Kung Mamahalin Mo Siya

53 0 0
                                    

Para sa magmamahal sa aking minamahal.

__________________________________________________________

Kamusta ka kaibigan, kagaya mo rin ako

Pareho lang tayo tao, nanghihina din tayo

Anng pinagkaiba natin, mas nauna ako sa'yo

Ngayon ikaw naman ang na in-love sa mahal ko

Ayokong isipin mo na binabantaan kita

At ilihis mo na rin sa isip mo na suportado kita

Ang gusto ko lang maiparating ay ang tunay kong nadarama

Sa babaeng minsan saki'y nagpaligaya

Una, aalagaan mo siya ng husto

May health condition kasi yung mahal ko

Este, mahal mo, kaya sana, wag mo siyang hahayaan

Sige ka, square tayo kapag siya'y napabayaan

Ikalawa, pagpasenyahan mo na ang pagiging pranka niya

Siguro, sa ganung paraan niya na ieexpress ang kaniyang saloobin

Wag mo siyang tatablahin sa dulas ng kaniyang pananalita

Wag kang magrarason dahil tiyak ikaw ay kakapusin

Ang susunod na paalala ay wag kalilimutan

Hindi siya mahilig sa cuddles at kulitan

Kaya sorry ka na lang kung di siya ganun ka expressive

Sumuko ka kung di mo kaya. baka masaktan ka ng extensive

Kung gusto mo sakaniya ika'y maging impressive

Kailangan mo talagang maging decisive

Hindi siya yung babaeng madikit o kaya adhesive

Pero siya naman yung tipong very attractive

Ika-apat ay wag ding kalilimutan

Idol niya si Katy Perry hanggang kamatayan

Masaya siya sa mga simpleng bagay lamang

Alam mo bang idol ko din yan sa kantahan

Very appreciative yan kahit sa very basic and unseen efforts

Kung tutulaan mo siya gumamit ng madaming metaphors

Wag kang sumuko sa mga problemang haharapin ninyo

Mahalinmo siya ng buong buhay mo

Ang ika-lima ay gagamit ng madami-daming linya

Sapagkat ito na rin ang wakas ng aking itutula

Etong payong kong ito ay wag kalilimutan

Pero gabay lamang ito na di kailangang pag sangayunan

Higit sa lahat, di siya ganun kadaling masuyo

Ma prinsipyo ang taong taong minamahal mo

Kaya sana wag kang tamarin o mag-sasawa sa "silent" and "cold" moments niyo

Sa una lang yan, di pa kasama yung "long-term" niyo

Masarap yan kausap, i build mo lang ang inyong momentum

Bumilib ka sakaniya, sa classroom siya ang best in Religion

Subukan mong maging tapat sakaniya, gawin ang binitaw na salita

Wag mo siyang isusuko kahit tingin mo parang wala na

Hindi ako nakikiusap sa'yo na tapusin o kumpletuhin mo

Ang mga bagay na di ko nagawa nung panahon ko

Ibig ko lamang talagang pasayahin siya, kasi she deserves it

Even I'm not the one who will fulfill it

Just be with her, especially on time of her darkest hour

Be than man for her, or else it's war. xD

__________________________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kung Mamahalin Mo SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon