Blue's POV
Nung naglalaro kami ni Dylan- my older brother, ng Minecraft sa xbox ko,I heard Christine's voice from the corridor.
"Kyle, oo nga pala. Why are you going to Room 214?" She said, as if she is talking to somebody.
"Ayan nanaman yang si Christine. Nagpapasikat nanaman sa corridor. Daming alam." Sabi ko, tapos tinapon ko yung controller ko sa floor.
"Bro! The more you hate, the more you love. Kung gusto mo, silipin mo dun. Crush mo din naman yata yun eh. Ang torpe mo!" Sabi ni Dylan. "Kung sisirain mo lang yung controller kasi narinig mo nanaman yung boses niya, harapin mo nalang dun! Mangdadamay ka pa ng ibang gamit."
Sinilip ko nalang siya dun sa corridor. Baka sinadya niya yun.
Pagkasilip ko, may kasama siyang lalake. Parang si Kyle Echarri to. Mamaya maya, biglang tumingin yung lalake sakin. Oo nga. Si Kyle nga yun. Pumasok na ulit ako dun sa room namin.
"Kuya. I quit." Sabi ko habang tinuturn-off yung controller ko. "Teka nga lang." Sumilip si Kuya sa labas. "Blue. Nagseselos ka ba kay Kyle?"
"Ano naman yung pagseselosan ko dun sa Kyle na yun?"
"Hay nako, Christian Ryan Heneredad. Ian Estrada. Blue. Kung ano man yung tawagin sayo, kilala kita kung nag seselos at nagsisinungaling ka. Parang kanina lang, good mood na good mood ka sa laro natin, and bigla ka nalang na magagalit diyan? Blue, okay lang na may paghahanga sa isang tao. Normal na yan." Sabi ng kuya ko.
Sa sobrang kaba ko, sinigaw ko na "Sabing wala nga eh! Naiinis nga kasi ako dahil nakita ko nanaman yung Christine na yun!"
Nag make face si kuya. "Christian. That's fine. Alam ko na may gusto ka dun. Never ka pa sumagot ng ganyan sa'kin. Parati ka pa nga na nakikipagbiruan pag ganito sinasabi k-"
"Oo na! Crush ko si Christine! Oh, okay na ba? Nalaman mo na kung bakit parati ko siyang hinahanap?!" Sinigaw ko.
"Christian Ryan Heneredad. Why are you screaming like that ha?" sabi ni Mommy, tapos kalmado pa siya.
"Kasi Mommy eh. Itong si kuya Dylan. Pinipilit na sabihin ko na may gusto ako sa nakakairitang Christine na yun eh!"
"Blue. Walang sinabi yang kuya Dylan mo. I've heard your conversation." Mommy said. All of a sudden, mom's phone rang.
"Hello? Yes Direk Rick? Opo, Blue's here with me at our room. Commercial? Sige po. I'll just text you kung ano po yung response niya. Thank you. Bye." And then mom hanged up the phone. Pero anong meron sa commercial? Bakit ako hinahanap?
"Ian, sabi ni Direk Rick, nag absent daw yung actor sa commercial nila, and he would be happy if you would be the substitute." Sabi ni mom.
"Fine. Basta wala akong makikitang Christine dun." Sabi ko.
"Yun nga lang. Kapartner mo daw si Christine." Mom replied. Malas. Ano kaya yung ipapagawa ni Direk Rick?
"Ma. Sama ako kay Blue." Sabi ni Kuya Dylan. "Kuya Dylan, wag na. Mangbbwiset ka lang."
"Blue? Anong narinig ko sa bunganga mo?" Mom said. "Wala ma. Tara na Dylan. Dalian mo."
Nakarating kami dun sa room ni Direk, Room 214, around 11:53. Nakita ko si Kyle na kausap si Direk. We sat on the bench near the entrance, because ayaw ko talagang nakikita yung Kyle na yun. Nung umalis na si Kyle, dun na ako lumapit kay Direk Rick.
"There you are Blue! Anyways, I switched your role. I know you always fight with Christine, so I figured-"
"Direk Rick, no! Crush po talaga ni Blue si Christine." Bwiset. Sinabi ni kuya. Nanahimik yung lahat ng makeup artists, actors and actresses, pati si Direk napatahimik. Nagisip ako ng para maiba yung usapan, kaya ginawa ko yung usually ginagawa ng isang elementary student, kahit highschool na ako.
"CRUSH PO. AS IN CRUSH, YUNG PARANG SIRAIN, PATAYIN GANUN." Sabi ko kay Direk.
Tapos biglang nakita kong sumilip si Christine from the makeup room. No- hindi lang si Christine. Si Kyle din. Hawak hawak ni Christine yung kamay ni Kyle. Ganun na ba sila ka-comfortable sa isa't isa? "Anong patayin, ha? Christian. Ryan. Heneredad. Alam kong ayaw na ayaw mo sa akin, pero di mo kailangang sabihin yan." Sinabi ni Christine before walking back to the makeup room. Napatahimik silang lahat. Si Kyle, tumingin muna sakin na parang concerned siya kay Christine, before niya sinundan. "Okay! Balik na po sa work! Para maagang makauwi." Sigaw ni Direk. "Okay, as I was saying, I switched your places with Ivan, the actor who was supposed to act as the friend nung magkapartner. Kasi si Kyle, he asked for a part. And, tama nga ako, away kayo ng away ni Christine." Mangaagaw na Kyle. Nakakainis. Hays