Chapter One

4 0 0
                                    


Dane

Sa kasalukyan, hindi ko na halos maintindihan ang sarili ko. Siguro dahil sa mga nauubos kong libro kakabasa. Imahinasyong ayaw magpakawala sa aking isipan. Dagdag ang pagkawala ni Mom. Si Dad? Di ko alam. Mukhang naglaho na din, tulad ng mga hangin dumadapo sa atin pansamantala. Sa mga nangyayari sa buhay ko, matatawa ka nalang. Nasisiraan ng ulo. Tulad ng pagiging Junior high. Talagang nakakasira ng bait.

"Yan ang susuotin mo sa unang araw ng pasukan?" Sabay ayos niya ng mga pagkain sa loob ng fridge.

Si Aunt Emma, siya ang kasama ko simula pa nung simula. Kapatid siya ni Mom.

"Ayoko ko namang magmukhang papansin sa unang araw pa lang." Sagit ko sa kanya, habang nag-aayos ng mga gamit ko.

"Sa bagay." Patuloy niya sa kanyang ginagawa. Biglang natigilan namang siya at tumingin sa akin.

"Napag-isipan mo na ba, kung anong kruso ang kukunin mo? Saang university?" Tanong naman niya.

"Kumuha ako sa lahat ng eskwelahan malayo sa Dad ko Aunt." Tumingin di ako sa kanya at nagtaas ng kilay.

"Talaga lang ha?" Tumawa siya ng konti. "Nagjogging ka ba kagabi?" Taning ulit niya. Hayaan niyo na, yan ang hands-on Tita

"Oo." Matipid kong sagot.

"Nakatulog ka man? Kasi halatang hindi eh." Tawa niya ulit at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Oo nga eh, naiigit na ako sa mga nacomatose." Sagot ko naman.

Sa totoo lang, hindi mawala-wala sa isip ko ang babaeng laging laman ng panaginip ko. Pakiramdam ko parang nakasama, nakausap, o nahawakan ko na siya. Palaging may parte sa utak kong iniisip siya. Nakakasira ng ulo nga talaga.

"Aunt, alis na po ako. Mahirap nang makita ang matatalim na mata ng guidance counselor sa unang araw." Sabay bukas ko nang pinto.

"Totoo yan." Pagsang-ayon niya.

Ang high school? Ganun pa rin. Hindi mawawala ang mga iba't-ibang klase ng tao na magpapahirap ng buhay mo.

Pumasok na ako sa kwarto. Halos kalahati ng klase nandun na.

"Hey Dane." Bati sa'kin ni Violet, na nakangiting aso. Tinitigan ko lang siya at dumiretso sa upuan ko.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na din ang guro. Mga guro nga talaga.

"Oh sige, tumahimik na kayo't nandito na ako." Pabungad agad ni Mr. Linton. Sanay na kami sa kanya. Wierd siya, oo. At sobra-sobra yun. Karamihan sa mga kinaklasehan niya, tinatawag siyang 'Tandang Hokage'. Bakit? Halos lahat siguro ng mga gurong matandang dalaga o di kaya bao ay niligawan niya. Sa'tin lang yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon