Nakalipas ang araw ganon parin pakikitungo nila sa'kin, minsan pa nga ako lang natitira sa bahay eh. makikita ko nalang na may sulat sa lamesa "umalis muna kami, kung gusto mong kumain initin mo nalang pagkain nasa ref" Minsan pinagsisihan ko ding tumanggi ako kay tita. pero masama bang makasama ko nanay ko sa special na araw ko? oo, kahit sino namang babae gusto mag debut diba? ako din naman gusto ko pero ayoko nung ibang tao gagastos para sa debut ko. i'm not saying ibang tao sila tita, ibig ko bang sabihin ayoko na silang gumastos sa'min, sakin. biruin mo! ilang buwan na kami sakanila. sa kanila pagkain , sila nag babayad ng kuryente. syempre nahihiya din naman ako. kaya mas pinili ko nalang tanggihan kahit na gusto ko.
Bumaba na muna ako para makapag-almusal. wala naman nang tumatawag o kumakatok man lang para kumain eh. namimiss ko na yun, lalo na si joe. huling kita namin siguro nung kumain kami sa labas nila tita at simula noon hindi ko na s'ya nakita. kasama kaya sila nila tita? inabala ko nalang sarili ko sa pagkain nagugutom narin kasi ako.
kinagabihan, wala padin sila. gusto ko talaga magsise sa ginawa ko sana pala pumayag nalang ako sa gusto ni tita. ang lungkot birthday ko pa naman din bukas. tapos ganito pa nangyari. kahit mga kaibigan ko hindi man lang ako maitext.
Pasalampak akong humiga sa kama. hindi ko na pagilang lumuha. paano ba naman kasi, first time to hindi ako kausapin ni tita dati pag may hindi ako nasunod oo nag tatampo s'ya pero hindi pwedeng matapos ang araw na yun na hindi kami nag papansinan. siguro sobrang na disapoint si tita , siguro naartihan na sa'kin si tita , siguro ayaw na n'ya ako para kay joe. siguro-*
Nang hindi malamang dahilan biglang nag brownout. takot pa naman din ako sa dilim, naiisip ko kasi may bigla nalang hahatak sa paa ko tapos-bang(sound nang bumagsak na gamit yan hahaha)
Sa sobrang takot ko napalabas ako ng kwarto. ako na ata ang takot na lumabas ng kwarto.
nanginginig ako sa takot ng may narinig akong umakyat. mas kinatakot kopa dahil parang ang dami nilang umaakyat. hindi kaya mag nanakaw to? o kaya mga mamatay tayo?"Jusko lord! ito po ba birthday gift n'yo sa'kin." *sa isip ko*
"Ang sabi lang ni boss. kunin lang natin si ariel, nakikikain kapa dyan dalian mo!"
"Mga magnanakaw na'to nanginginain pa pagkain ko na nga lang yan e!! at sino yung boss nila? ipapatay ako?! "
At sa hindi inaasahang pangyayari, bigla nalang lamang may nagtakip sa aking mga mata. para akong bulag dahil sa wala akong makita.
"kuya. please maawa ka!! birthday ko papo bukas. t'ska hindi po'ko may ari ng bahay na'to sa iba nalang po kayo mag naka- Hindi ko natuloy ang sinasabi ng bigla naring tinakpan ang bibig at ilong ko. hindi ako makahinga dahil sa amoy ng bimpo na pinangtakip n'ya sa'kin. hanggang sa nawalan na'ko ng malay.
nagising ako nang parang umaandar ang hinihigaan ko. at wala akong makita bulag nako?!
"Kuya! sana kinuha n'yo nalang mga gamit ko sa kwarto! hindi na yung mata ko!!!" Hindi ko mapigilang humagul-gol. hindi ko na makikita si joe! dahil bulag nako!
"Naka blind fold ka lang pero may mata kapa. wag kang OA Ariel mapapatay kami ni boss kapag nangyari yun. stupid!"
Stupid? si Joe lang tumawag sa'kin n'yn. hindi ko na talaga mapigilang umiyak. dahil sa takot na hindi ko na makita sila tita!
"Hoy! tumigil ka nga ke aga aga ang ingay mo!"
Maaga na pala, ganun napala ko katagal nawawala. may naghahanap ba sakin? Birthday ko ito kinahantungan, dapat nasa libingan ako ng nanay ko pero mukhang magtatabi na kami sa libingan n'ya.
naramdaman kong may tumurok sa'king balat. hindi sa malamang dahilan parang bigla akong inantok bago pa'ko makatulog
"Happy birthday!"
huli kong narinig at tuluyan na'kong nakatulog muli.At muli na naman akong nagising mula sa pagkakatulog. pero parang magaspang na ewan ang mga damit ko? at may naririnig akong kasiyahan sa labas ng sasakyan. bago ko pa tanggalin ang piring ko muling bumukas ang pinto ng sasakyan.
naramdaman kong may humila sa'kin pababa ng sasakyan."Tanggalin mo na yang piring mo, andito na tayo."
Sa Sobrang takot ko hindi ko ito sinunod , mamaya pag tanggal ko nasa bangin pala kami. tapos bigla nalang akong itulak.
"Kuya kung itutulak moko itulak mo na ak-
Bago kopa matapos ang sasabihin na tanggal na ang piring sa mga mata ko. pero hindi pa din ako dumidilat.
"Dumilat ka nga, itutulak talaga kita pag hindi ka dumilat." *pagbabanta nito*
Then I open my eyes, I saw tita&tito smiling at me.
HAPPY 18TH BIRTHDAY ARIEL.
Sigaw/bati ng lahat, nakita ko mga kaibigan ko. na nag peace sign sa'kin dahil siguro alam nilang nagtatampo ako sa kanila at dahil hindi ko sila matiis tinanguan ko na lamang sila dahil hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari."Happy birthday ariel." *bati ko sa sarili ko, unexpected!*
Nakita kong lumapit mga kaibigan ko at lalo na si tita na dali dali maglakad papunta sa'kin at bigla akong ni yakap.
Hindi ko maiwasang umiyak namiss ko si tita swear!."Happy birthday iha, huwag ka ng umiyak alam ko iniisip mo hahaha." *sabi ni tita.*
"Thankyou Tita. kung alam mo lang ta, tuwing hindi moko pinapansin pinagsisihan kong tumanggi sayo nung inalok mo'ko. imiss you so much tita." *sagot ko dito.*
"Osge na, baka humupas na yang make-up mo. umpisahan na natin ah, maya na tayo mag-usap. Happy birthday princess ariel."
At nagsimula na nga ang selebrasyon, nung una hinahanap ko ang papa ko, pero ang sabi nila tita ang papa ko nga raw ang nag luluto nang handa ko ngayon. hindi ko pa nasasabi na, magaling ang papa ko sa pagluluto. tiyak na masarap ang pagkain na inihahanda ngayon.
Unang sinimulan ang 18th roses, Nung una nahihiya pa'ko hindi kasi ako marunong sumayaw. at siguro din sa mga pangaasar ng mga kaibigan ko. syempre una, ang best boyfriend ever ang papa ko. im so lucky to have him. s'ya na tumayong ama't ina ko. kaya napakaswerte ko. pangalawa si Tito Ahli, pangatlo si junjun. pangapat at sumunod pang bilang mga kaklase/kaibigang lalaki. at dumating na ang pinakahihintay ko. nung una hindi ako umaasa na si joe ang huli ko. dahil na rin siguro sa nakalimutan ko s'ya dahil sa sobrang saya ko. Pero nakita ko s'yang papalapit sa akin. at ang rosas na hawak n'ya ang isa sa mga paborito kong kulay ang kulay pink. hindi ko maiwasang kiligin i heard them say "ayie". nagkatinginan kami pareho at sabay na natawa. First time ko din tong makita s'yng tumawa. hanggang sa nakalapit na s'ya sa'kin.
"Happy birthday". He said.
Tumango na lamang ako. hindi ko kasi mahanap ang dila ko kung nasaan dahil siguro sa kilig at tuwa na nararamdaman ko. Na tapos ang 18th roses. sumunod naman ang 18th candles.
Una Syempre ang mga Bestfriends ko, na tumatayong mga kapatid ko na. Sila Althea,Anna,Marissa,RizzaMay.
Una si Althea, pangalawa si Marissa, Pangatlo si Anna, at pangapat si RM.
Puro mga habilin lang naman mga sinabi at syempre hindi din mawawala ang drama / kalokohan nila. at panglima mga kaklase at mga kaibigang babae.at panghuli si tita. ang tumayong pangalawang nanay ko. sumunod na ang 18th treasures 18thousand. natapos na rin ito ng gabi, at buti na lamang malapit ito sa pinag papahingahan ko kapag pumunta ako sa libingan ng nanay ko. natapos ang selebrasyon sa masaya at kiligan.
nakapagpalit na'ko ng damit papasok na'ko sa kwarto na tutulugan ko ngayong gabi biglang may humatak sa braso ko.
"Ikaw lang pala akala ko dudukutin nanaman ako e." sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok dahil sa pag ka nerbyos.
"Bago matapos ang kaarawan mo ito regalo ko. Happy birthday ariel."
*sabi ni joe, regalo? wala pa nga s'yng ibinibigay nagulat ako sa pangyayari ng dumampi ang ang labi n'ya sa labi ko, my first kiss.*"Regalo ko yan, ikaw pa lang niregaluhan ko n'yan. happy birthday!"
to be continue...
a/n: ni hao!! sorry for super late update!!!!! and happy 300+ readers hahahaha happy nako kahit 300+ palang. atleast may nag effort para basahin to. salamat sa inyo!!
Ps. May typo, inayos ko lang hahah! later update ako :)
#SBMSG