Paglisan

10 0 0
                                    

Aalis ako hindi ko sasabihin sayo.

Oo aalis ako ng hindi ko ipapaalam sayo.

Hindi dahil gusto kong iwan ka at mawalay sayo.

Sadyang yun lang talaga ang tadhana ko

Na malabong mapigilan ko.

Hindi ako mababahala sa pag alis ko.

Hindi ko iisipin na iiwan ko ang isang katulad mo.

Dahil ako lang ang aalis hindi ang puso ko.

Hahayaan kong paglayuin tayo ng masalimuot na tadhana na ito.

Hahayaan kong dalhin niya ako malayo sayo

Hihintayin ko yung tamang panahon

Alam kong kahit saan ako mapadpad mahahanap mo ako.

"MGA LETRA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon