Chapter 1: The End Where I Begin

12 2 4
                                    

"1,2,3... SMILE!"

"Guys tara dali picture!"

"Giiiiiirls, mamimiss ko kayo."

Ito ang mga linyang naririnig ko mula sa mga taong nasa paligid ko ngayon. Patuloy lang ako sa paglalakad. Pinagmamasdan ang mga masasaya at naghaharutang mga schoolmates ko rito sa quadrangle. Kanya kanyang camera, may dala dala ring pentel pen na ipangsusulat sa mga uniform nila.

Moving up ceremony namin ngayon. Araw ng pagtatapos namin sa Junior High School. Kaya eto sila ngayon, sinusulit ang mga huling sandali sa bawat isa. Ngiti rito, ngiti roon. Yakapan dito, yakapan doon.

Araw ito ng pagtatapos pero sa akin, ito ang Day 1 ng panibagong chapter sa buhay ko. Sobrang daming nangyari sa Junior High School life ko. Mga pangyayaring nakatatak na sa puso't isip ko.

"Love! Halika na rito kanina ka pa namin hinahanap."

"Oh sige wait lang susunod na 'ko."


Ako si Love. Oo Love. Pag-ibig, Pagmamahal, Amor sa Spanish, Liebe sa German. Ang pangalan ko na malayo sa pagkatao ko. Hindi ko alam, di naman mapait ang buhay ko. Tipikal na teenager. May normal at karaniwang buhay. Kuntento sa pagmamahal na nakukuha ko kay Mi at kay Di at sa dalawa kong makukulit na kapatid na si Trev at Faith, parehas nakababata sa akin. Masaya sa company ng best friend kong si Jessie. Well, konti lang din naman ang friends ko. Introvert kasi ang lola niyo. And when it comes to love life? Baka 'lab life'. Wala akong panahon sa ganyan. Mas prefer ko magpakasubsob sa pag-aaral kaysa isipin ang mga ganyang bagay.


But that was before. My old self. Hindi ko na alam kung paano ko ilalarawan ang isang "Love" ngayon. Sobrang daming nangyari. Sobrang daming nagbago.

-----------------
A/N:
Ano nga ba ang mga nangyari sa Junior High School life ni Love?

I need atleast 10 reads to publish the 2nd chapter.

vote/follow/comment
- glumgirl

Love's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon