Chapter 1

0 0 0
                                    

After almost three years, nadugtungan din. Tama nga ang sabu ng professor ko noong college. Dapat daw hindi masyadong pag isipan ng bongga kapag nagsusulat ka. 'Yong tipong isip ka ng isip ng malalin tubgkol sa mga scenes or dialogues ng characters mo kasi doon kadalasan gumugulo ang ideas mo. Dapat daw let your creative mind type or write. Lahat ng pumapasok sa utak mo isulat or i-type mo lang kahit wrong grammar pa or wrong spelling. Kapag wala ka ng masulat, saka mo gamitin ang pagka editor mo. Doon mo itama ang grammar at spelling, doon mo rin ayusin 'yong thought. Kasi ang literature daw kusang lumalabas.

***

Ang langit ay naghahalong kulay ng dilaw at kahel habang ang araw ay dahan-dahang bumababa. Kasabay ng pagbaba ng langit ang pagbigat ng pakiramdam ko sa pag-iisip kung tama ba ang naging desisyon ko. Galing pa lang ako sa masakit na hiwalayan. Akala ko noong una, siya na. Na siya na ang makakasama ko pang habang buhay pero mali pala ako.

Limang taon na kaming boyfriend-girlfriend. Our love story started during our senior year in high school, or not. Noong bakasyon bago mag second year high school ko siya unang nakilala.

"Pare halika ka dito dali!" tawag ng kaklase ko sa isang lalaki.

Tingin ko ay halos ka-edad lang namin siya at parang pamilyar din ang mukha niya sa akin. Lumapit naman siya sa may tindahan namin. Ngayong bakasyon kasi nagbukas kami ng tindahan nila Mama. May basketball court kasi sa tapat namin kung saan kadalasan ginagawa ang mga basketball tournament tuwing gabi na inoorganisa ng munisipyo. Maganda oportunidad daw 'yon para makadagdag man lang sa pang gastos though hindi naman siya seryosong negosyo talaga, ngayong bakasyon lang.

"Seph, si Ria nga pala, Ria si Seph" pakilala ng kaklase ko habang ngingiti ngiti.

Sa isip isp ko, aba ang lokong 'to nakikitambay na nga lang eh nantitrip pa. Tumango lang 'yong Seph at ngumiti ng tipid. At ako si dalagang Pilipina, gan'on din ang ginawa. Kidding.

Hindi masyadong katangkaran 'yong Seph. Mukhang mas matangkad pa nga ako eh. Typical kumbaga. Typical na kasi sa mga Pilipino na hindi masyadong matatangkad. Ang height ko nga na 5'4 , para sa iba ay matangkad na pero kung ikukumpara sa ibang lahi, maliit pa rin. Maliban sa hindi katangkaran, di rin naman masyadong ma-itsura. (Sorry kung medyo mapanglait.)

Tumambay pa ang dalawa sa tapat ng tindahan namin at nanood ng basketball. They didn't really pay much attention to me which is fine, actually. Wala rin naman ako masyado sa mood noon na makipag socialize. Nagke-kwentuhan sila tungkol sa laban na pinapanood nila. Boys will be boys ika nga. Wala rin naman ako masyado alam sa basketball kaya 'di rin naman ako makasabay sa kwentuhan nila.

After a few minutes, umalis na rin 'yong dalawa. Ako naman naiwang nagbabantay ng tindahan. Medyo matumal ang benta ngayon, hindi kasi masyadong sikat sa bayan namin 'yong team na naglalaro kaya medyo inaantok na rin ako. Siguro mga isang oras ang lumipas ng naisipan kong magsara na tutal wala naman masyadong bumibili.

Lumabas na ako para isara 'yong bintana ng tindahan. Aabutin ko na sana 'yong alambre na nasasabitan ng bintana nang may nagsalita sa likuran ko, "Ako na, tulungan na kita". 'Yong Seph pala kanina ang nagsalita.

Medyo natulala pa ako ng konti sa kanya dahil syempre di naman kami close and we're not in speaking terms kasi nga nagtanguan lang kami kanina n'ong pinakilala kami sa isa't isa. Nang na-realize ko na medyo awkward na, tinuro ko na sa kanya 'yong aabutin ko sana dapat. Sinubukan niyang abutin pero dahil nga di naman siya katangkaran, medyo nahirapan siya, sabi ko "Sige ako na lang jan. Tatanggalin ko 'yong pagkakasabit tapos ikaw hawakan mo na lang iyang bintana". Sinunod naman niya ako at inalalayan 'yong bintana.

'Yong disenyo kasi n'ong bintana kagaya ng sa bahay kubo, 'yong binubuksan palabas tapos may pangtukod. Ang kinaiba lang n'ong sa amin, gawa sa kahoy at metal sheet imbes na nipa at sa alambre nakasabit imbes na nakatukod.

"Salamat", sabi ko sa kanya nang naisara na namin ng maayos 'yong bintana.

Tango at ngiti lang ulit ang sinagot niya sa akin sabay lakad paalis. I was like "okay, silent type, or snob" pero at least naman gentleman kasi tinulungan pa ako kahit hindi kami close.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hoping for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon