Author's Note:
Waaaahh ! Sorry ngayon lang po ako nag UD .. Huhu :( Sana naman po ay wag kayong tamaring suportahan ang aking storya .. Open po ako sa suggestion kung sakaling may kulang pa po .. Ito lang kasi ang stress reliever ko .. Kaya nalulungkot ako kapag walang tumatangkilit ..
Anyways .. Dahil bukas na po ang Birthday ko .. Pwede request ? *O* Hihi ^___________^
Comment naman po kayo oh .. Puleaassseeeee ?
***
CHAPTER 4 OFFER. MS. BLACKMAILER
MYX'S POV
" Nakakainis talaga siya !! Aghhh " Sa tanang ng buhay ko ngayon lang ako nainis ng ganito .. Hello ? Ang haba kaya ng pasensya ko .. Pero masyado kasing antipatiko ang halimaw sa bangang lalaking yun .. Kaya naman ! Aish ! Hindi ko maexplain ang inis ko grabe ..
" Kalma lang Myxie " isa pa tong si Ate DC .. Kung ayaw ko ngang tinatawag akong Mia .. Myxie pa kaya ? -__________- Duhh .. Masyadong girly >___<
" Pasensya na sa ginawa kong scene kanina .. " panimula ko .. Tumaas lang ang kilay niya at ngumiti .. Grabe ! Ang creepy ng ngiti nya ah .. Mukhang hindi ko gusto ang iniisip niya ..
" Wala yun .. Hindi kita sisingilin sa mga damage .. Basta . " see ? Sabi ko na nga ba e .. May kapalit .. Kainis talaga yung mokong na yun !! Sana lang hindi na kami mag kita pa ! Grrrr .. Kung hindi .. Kakalmutin ko siya toda max ..
" Ate DC " naman oh ..
" What ? Myxie naman . Mukha kang tense . Chillax . Hahahaha " sabi niya pa at hindi ko maiwasang kabahan .. Sa tawa niyang yan imposible wala siyang gagawing kalokohan .. Naman oh .. Ano na naman kaya ang binabalak niya ? Papatalunin niya kaya ako sa building habang nagja-jackstone ? Hala ! Ang hirap nun >____< Ay ! baka hindi .. Baka uutusan niya akong nakawin ang hamburgers sa jollibee .. Waaahh .. Hindi pwede .. Tiningnan ko nalang siya ..
" Actually Myxie .. " panimula niya .. Ayan na .. Waaaahhh .. Iniisip ko palang .. Kung patatalunin niya ako sa building habang nag ja-jackstone .. hindi kaya mauna pa ang bola mahulog bago ko pa saluhin ? Hala ! hala !!
" Alam mo naman si Slate " napahinga naman ako ng maluwag .. Wushoo . Akala ko kung ano na .. Tungkol lang naman pala kay Manager ..
" Oh ? Kay M ? Bakit ? Nag away po ba kayo ? LQ ? Ahmm .. Alam mo kasi Ate DC wala akong alam sa mga lovelife kaya kung manghihingi ng advice kay papa jack ka nalang tuma----- " hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad siyang sumabat ..
" Wilab ka ? Hindi nuh .. Asa ka namang aawayin ako ni Slate " Oh .. na wilab pa tuloy ako ..
(a/n: sa mga taga outer space .. Wilab po means ay BALIW .. Binaliktad lang ^_____^ Hehehe )
" Ha? Eh .. Ano po ba yun ? " sabi ko nalang .. Ok .. Si M na ang under kay Ate DC :P
" Kasi alam mo namang .." tumaas ang kilay ko .. Pabitin effect .. Nakita ko naman yung ekspresyon sa mukha niya .. Hindi ko tuloy maintindihan kung natatae ba siya at pinipigilan niya lang ^____^ Hahahahah XD Ang wild talaga ng imaginations ko .. Ako na talaga ..
" hindi pa kayo naguusap ng matino ng .. " ok .. Sa mukha niya parang hirap na hirap siya .. Napalibot naman ako ng tingin .. Owkay ! Malayo siguro ang cr at pinipigilan nalang ni Ate DC .. Aww .. Nakakaawa siya , hirap kayang magpigili .. Tsk ..
" N-nang K-kuya mo " kumunot naman ang noo ko .. Nagiba tuloy ang pakiramdam ko .. Ewan ko ba , bigla ako nakaramdam ng inis .. Tsk .. Sila ang dahilan kung bakit wala akong pera ngayon e ..
