Note: One Shot lang po ito. Advance thank you na din for reading it:)
Enjoy Reading...
----
Naglalakad lang ako sa hallway na dala ang mabibigat na libro galing sa Library. Peste naman kasi na baklang Librarian iyon. Ako pa ang nautusang ibigay ito sa Student Council.
"ARAY!" Sigaw ko dahil may bumangga sa'kin na peste. At ang walang hiya'ng iyon hindi man lang ako tinulungan?! Tinignan lang ako?!
"Hoy! Sira-ulo ka ah?! Ikaw na nga itong naka-bangga sa'kin hindi mo pa ako tutulungan?!" Bulyaw ko sa kanya. Ang bigat bigat na nga ng mga librong ito tapos ang dami pa.
"Kasalanan ko bang nakaharang ka?" Amp&*+#*	#*! Sumasagot ka pa?! Tignan lang natin..
"Ang laki ng daan tapos sasabihin mong nakaharang ako? Tanga ka lang ano? Nasa gilid na nga ako tapos sasabihin mo pang nakaharang ako? Eh kung tadyakan kaya kita dyan?!"
Ang loko inirapan lang ako at saka umalis. Sira-ulo talaga bwiset! Huminga nalang ako ng malalim dahil pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante. Niligpit ko nalang ang mga libro saka ulit ito binuhat para dalhin sa Office ng Student Council.
Ano bang gagawin nila dito sa libro na ito? Peste istorbo. Kung kelan ko naman gusto kong mag-cut ng class saka naman nila ako uutusan. Mabait kasi ako dun sa baklang Librarian kaya inaabuso na niya ang kabaitan ko. Peste siya makakatikim siya sakin ng mura mamaya.
Nakarating ako sa Office at saka ito inilapag sa harapan nila ng malakas. Nagulat naman sila sa ginawa ko, umirap lang ako at saka umupo sa upuan malapit sa aircon.
"Wow lang, Seven ah? May galit ka ba sa libro?" Tanong naman ng Vice President sa'kin. Ipinatong ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan saka ako huminga. Aba sa taas naman ng inakyat ko. Isipin nyo anim na makakapal na libro ang pinadala sakin ng baklang iyon tapos mula 2nd floor hanggang 4th floor inakyat ko. Kung iniisip nyo na sana nag-elevator nalang ako? WALANG ELEVATOR ANG SCHOOL NA ITO!
"Eh kasi nakaka-bwiset eh! May bumangga na lalaki sa'kin tapos hindi man lang ako tinulungan. Ang mas masama pa ako pa ang sinisi dahil nakaharang daw ako sa daan. E sa lawak ba naman ng Hallway iisipin niyang nakaharang ako? Ang tanga niya lang!" Sigaw ko sa kanila.
"Kalma ka nga, Seven. Masyado kang high blood." Natatawang sabi ng President.
"Sino ba kasi ang nakabunggo sa'yo? Para naman makatulong kami." Saad pa ng Vice President.
"Hinding hindi ko makakalimutan ang pangit niyang mukha." Sabi ko pa habang naggagalaiti sa galit. Pumasok naman bigla sa office si bakla kaya napatayo ako at saka siya sinigawan.
"Ikaw bakla! Kung hindi mo sana ako pinahirapan edi sana hindi ako nabwiset ng sobra ngayong araw! Kasalanan mo ito eh!" bulyaw ko sa kanya. Nagulat naman siya sa pag-sigaw ko kaya naman napataas ang kamay niya.
"Kalma ka nga, sumasabay yang init ng ulo mo sa init ng panahon." Sambit pa niya. Umupo ulit ako saka ninamnam ang lamig ng aircon.
"Sige na, Seven. Pwede ka na um-attend ng class mo. Wag na wag kang magkakamali na mag-cut nanaman ng class mo." Sabi pa ng President. Umirap ako saka tumayo at kinuha ang bag ko para lumabas ng office nila.
Pagkalabas ko ay naglakad na ako papunta sa room ng sunod na klase ko. Pagpasok ko ay umupo na ako saka sinubsob ang mukha ko sa desk. Kung hindi ako makakapag-cut ng klase edi matutulog nalang ako.
--
Nagising ako sa malakas na bell, tapos na pala ang klase. Tumayo na ako para umalis. Pagkalabas ko ay agad akong naglakad palabas ng school gate. Pumunta muna ako sa Park malapit sa school para tumambay. Maaga pa naman kaya dito muna ako.
BINABASA MO ANG
The Guy I've Met That Day [ CHA EUNWOO FF-ONE SHOT]
FanfictionPossible ba na ma-inlove ka sa isang tao na nakilala mo lang ng isang araw?