Experience po ito nang mama ko na itago nalang natin sa pangalang mayeth.
__________
Nag-iinuman po sila mama,ate lyn,ate grace( bespren ni ate lyn) dahil nag-away si mama at papa.umagang-umaga palang nag-inom na sila kaya lasing na si mama at nagpaarkila pa nang videoke at kanta naman ako nang kanta.
Pagkatapos nang shot ni mama nagulat kami nang biglaang natumba si mama
Hiniga muna namim siya doon sa guest room dahil mas malamig ang aircon at simoy nang hangin,nang iakyat na namin si mama sa kwarto ay bigla na lang siyang naglupasay sa sahig.ganito ang usapan naminAte lyn:ma! Anong nangyari sayo?
Mama:*tawa ng tawa*(parang galing sa hukay yung tawa) hindi niyo ko nanay ako ang bantay nitong katawan na ito at kahit anong gawin ninyo ay isasama ko na to sa impyerno wuhahahaha(demon's laugh ulit)
Ako:(naglakas loob ako na kausapin yung demonyong nasa katawan ni mama)
Hoy demonyo ka sino kaba huh?ang kapal naman nang mukha mo noh!
Ate lyn at ate grace:huy!manahimik ka at baka saktan ka niyan!!
Ako:wala akong pake sakanya!suntukan pa kami gusto niya.umalis kana dito sa katawan nang mama ko kung ayaw mong tawagan ko si nanay!!!!
Ate lyn:sinong nanay?
Ako:ate lyn,si nanay ni kua ikong asawa ni ate nine diba manggagamot yon??!!
Ate lyn:ay!oo nga pala,grace pakitawagan mo nga si nanay ni ikong! Bilis.
Ako:oh bakit ka umiiyak?
Ate lyn:hindi kaba iiyak kung kunin si mama satin!!??
Ate grace:oo nga naman!
Mama:manahimik nga kayo!!! ( sabay tawa nanaman nang nakakatakot) alam niyo ba kung bakit ko binabantayan tong katawan nang nanay niyo???
Ako:bakit nanaman demonyo ka?
Mama:kasi bastos kayo sa kanya at lagi niyo siyang pinapagod kaya parang gusto niya nang mamatay.gusto niyo ba marinig mama niyo magsalita!!wuhahahaha
Ate lyn:opo!
Mama:masusunod! (Anak tulungan niyo ko tawagan niyo na sila kua ninyo pati si tito jim ninyo) okay naba iyon!!!wuhahaha
Narinig namin na may nagdodoorbell sa labas kaya binuksan na namin agad ang pintuan at nakita naming si kua ison at kua simon kasama si nanay melda(manggagamot)kaya pinapasok nanamin siya sa bahay at umakyat sa guest room pero hindi pa nakakapasok si nanay melda ay nakaramdam agad siya ng malakas na hanginNanay:sandali lang mga apo!ang lakas niya!halika na!
Ako:sige po
Nang pagpasok namin sa kwarto ay nagulat kami ng biglang sumigaw yung demonyo sa katawan ni mama.Mama:nagsama pa kayo nang mahina!wuhahahaha!!!
Nanay:panginoon tulungan niyo po ako na paakyatin ito sa langit!
Mama:tanga!isa kang hangal! Patay naman iyang tinuturing ninyong panginoon!
Naglabas nang holy water at rosaryo si nanay habang sinabihan niyang hawakan si mama dahil malakas halos walo ang nakahawak kay mama pero parang malakas talaga si mama kung kayat tumulong si papa ngunit nang pagkakita ni mama kay papa ay ito ang bungad nito sa kanyaMama:oh! Sammy nandito kapala! Alam mo bang ikaw ang may kasalanan nang lahat ng to!
Papa:alam ko yon!
Mama:buti alam mo!aray!!!!!!
Tinusok ni nanay nang rosary si mama sa tiyan pero hindi malakas
Binasbasan niya ng holy water si mama at dinasalan at nagulat kami nang umilaw ang buong mata ni nanay at may lumabas na itim na usok kay mama at nawalan ng malay at tuluyan nang hindi na nagpakita ang demonyo iyon*****
Hi guys !! Maraming salamat sa pagbabasa
Sana po ivote niyo itong first horror stories ko
Salamat💖💖
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorMahilig kabang magbasa nang mga nakakatakot na istorya? Kung gayon ay halina't samahan niyo akong lakbayin Ang ating imahinasyon sa napaka-raming nakakapanghilakbot na mga istorya!!