Kim Jongin

7 2 1
                                    

Ano ba naman yan? Pati ba naman sa title ng istoryang 'to ganun din yung tanong?

Halos maya't maya tanong niya sa'kin yan walang mintis at hindi nagsasawa.

"Renalyn, anong oras na?"

"May relo ka naman diba? May cellphone ka din, EDI tingnan mo kung anong oras na!" Sigaw ko sa kanya. Almost every freaking day of my life he always asking me that non sense question.

"Eh Ano nga kasing oras na?" Ang sarap niyang sipain sa pagmumukha putek!! May relo naman siya, Rolex pa nga eh. At FYI ang upuan ko po ay sa harap pa, siya sa likod.

So it means SINISIGAW PA NIYA YUNG TANONG NIYA NA YAN! May seatmate naman siguro siyang may relo no!

"Ang kulit mo ah! Para tumigil ka na!" Tumingin muna ako sa relo ko bago magsalita ulit. "10:30 am sakto!" Sigaw ko pabalik.

"Sure ka? Mali kaya!" Tingnan mo 'to! Aba naman talaga! Nagtanong siya tapos sasabihin niyang mali ako?

"HOY KIM JONGIN EXCUSE ME?! NAGTATANONG KA DIBA? AT SINAGOT KO MALI PA?! 'WAG MO KONG NILOLOKONG ULING KA!! BAKA GUSTO MONG ISUMBONG KITA SA TATAY MONG SI BINAY!!"

Nagtawanan lang yung mga kaklase namin at ako humarap na lang sa blackboard para hintayin yung next teacher namin.
*

**************
"Shems! Kanina pa ako dito oh!"

"Yung pila hindi gumagalaw!"

"Gutom na ako!"

"Hoy! Ako dyan!"

Nasa canteen ako pero feeling ko nasa palengke ako sa sobrang ingay.

Sabagay, kanina pa akong prenti lang at kumakain dito. Bawal kasi sa mga dyosa ang napapagod. (Lol)

"Renalyn!" Mukhang alam ko na kung sino 'to

"Bakit na naman ba Kai?" Asar na tanong ko sa kanya.

"Anong oras na?" Napafacepalm ako. Ayan na naman ang unlimited na tanong niya. But at least kinakausap ako ng crush ko. Yep! Crush ko ang tukmol na 'to

"Wait lang! Pang ilang tanong mo na ba sa'kin yan?" Nilagay ko sa sintido ko ang hintuturo ko at kunwaring nag-iisip.  "Sukluban ka Kai! Ilang Milyon mo ng tanong yan!"

"Sabihin mo na lang kasi kung anong oras na." Tiningnan ko siya ng masama before answering him. Tiningnan ko yung relo ko. Psh! Buti pa yung oras napapansin niya ako? Hindi! DRAMA!

"1:22 PM! 18 minutes before our last subject." Walang ganang sagot ko. Tsk! Lagi na lang.

"Mali naman eh!" Leche 'tong lalaking 'to ang sarap sapakin, to the maximum level!

"Wag mo nga akong niloloko ha! Nagtatanong ka diba? Ayan sinasagot ko na mali parin. May relo ka naman diba? Anong purpose ng relo mo? Display ganun?"

Kainis talaga siya! Kung hindi lang kita crush sinapak na kita!

Ayoko namang umamin na gusto ko siya! Ano siya sinuswerte?

Ako kaya si Renalyn na maganda, pangalawa ay dyosa at huli ay maganda!

"Ano nga kasing oras na?"

"Kai Isa pa! Hindi ka na masisikatan ng araw!" Pero syempre joke ko lang yan.

Tumayo na ako at aalis na sana pero hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko.

"Anong oras na kasi?" Tanong niya ulit. Pinanliitan ko siya ng Mata.

"Jongin ha! Isa na lang talaga!"

Pinilit kong tanggalin yung kamay niya sa braso ko,pero ang higpit ng hawak niya dun.

"Renalyn" he said "I just want you to answer my question Anong oras na?"

"Ano ba ginagawa ko? Lagi ko namang sinasagot ah! Pero sinasabihan mong mali!"

Naririndi na talaga ako sa kanya. Konting konti na lang.

"Mali naman kasi talaga." Then he held my hand "Maling mali talaga!" Bumilis yung tibok ng puso ko ng nilagay niya yung right hand ko sa dibdib niya.

The fudge! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Lalo na't nararamdaman ko yung tibok ng puso niya rin.









"Oras na kasi para mahalin mo si Kim Jongin. At mahalin ni Kim Jongin si Renalyn Baita."
🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚🔚
(A/N: first one-shot ko po yan dito. Hope you like it. Bye~)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anong  Oras Na? (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon