Chapter 8:Friends

28 1 0
                                    

Zack's P.O.V.

"Hi Zack." Nanaman.Ano bang kailangan niya sa kin at dikit siya ng dikit.Para siyang tuko sa mga pinaggagawa niya.Nagmumuka tuloy siyang tanga sa paningin ko..haha

"Pwede ba?.Tigil-tigilan mo na nga ako."Inalis ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Hi ate!.."Isa pa tong si Freshman Girl.Grabe kong makagulat.Close ba kami?..Oo nga pala,yung libro.Sakto naman at natapos ko yung basahin kahapon habang naghihintay kay Zhian sa
parking lot pero di rin naman siya dumating.Iniwan na naman ako eh..Ang putcha talaga nun.

"Ahm,Zack..Sino siya?.."Sinabayan nila akong dalawa sa paglalakad.

"Sino ka ba para alamin yun?"Natahimik bigla si Ginno kaya naiwan siyang nakatanga dun sa garden.Kami naman ni FG,napatuloy lang sa paglalakad.

"Ba't ganyan ka makatingin?"Inalis niya yung tingin niya sakin.Alam ko kasi na kanina niya pa ko tinititigan kahit di ako  nakatingin sa kanya, malakas yung pangdama ko eh.

"Ah..wa-wala..Ang cool mo lang kasi ate.Yung mga libro nga pala.."Huminto ako sa paglalakad tapos kinuha ko yung mga libro sa loob ng bag ko.

"Oh.."Inabot ko na sa kanya yung ten books, kinuha din naman niya.Tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Ate!..Tara kain tayo dun!..Dali!..Tara!!.Masarap dun eh."Hinila niya ko papunta sa ice cream store ng school.

"Mama,dalawa nga poh..Cookies and cream po.Damihan mo kuya ah."Nakakatuwa naman tong batang toh.Akala mo di 1st year college.Daig pa limang taong bata eh..haha.

Tinignan ko yung paglagyan ng ice cream ng mamang nagtitinda para maghanap ng BLACK ICE CREAM kaso wala eh.

"Kuya,wala ba kayong black flavor?"Natawa bigla yung nagtitinda.Hala,problema nito?

"Sorry mam pero wala namang ganung flavor eh."Natatawa pa rin siya.Baliw ba siya?..Tsaka meron namang ganun sa States eh.Ang sarap kaya nun.

"Ito na mam."Inabot na nung mama yung dalawang ice cream kay FG,tapos nagbayad na din siya.

"Ate oh.."Binigay niya yung isang ice cream sakin tsaka kami naglakad uli.

Sarap na sarap naman siya habang dinidilaan yung ice cream.Haha.Cute nito.

"Ayaw mo ba yan ate?"

Ngumiti ako sa kanya.Fake smile

"Ah okay,..Wala naman talagang BLACK ICE CREAM flavor dito eh." Meron nga.Kulit eh!..

"Cristine nga pala name ko.Sana maging friends tayo.."

Actually,ayaw ko na talagang magkaroon ng friends sa school na to dahil alam ko na madadamay lang sila sa mga kalokohan ko.Ayoko na ring magmukang tanga at hayaan na lokohin lang ako.Nadala na kaya ako.Bad experience rin nung nakipag kaibigan ako sa stupid na apat na babae dun sa cafeteria.Ayaw nila sa kin,eh di wow.

"Friends?"Yung kamay niya parang gustong makipag shake hands sa baliw kong kamay.

"Sorry,but I don't need friends.Maghanap ka na lang ng iba."Malamig na sagot ko sa nakakairitang tanong niya.

"Ba't ayaw mo?"

"Basta." Sakto,may basurahan kaming nadaanan.Itinapon ko dun yung ice cream na bigay niya.

"Ate naman!..Ba't mo tinapon!?" Yan,muka na siyang galit.Nagmamaktol na ata.

"Ang sama mo naman ate!.."Ibinato niya yung ice cream sa sahig...La?.Problema naman nito?

"Ang bad mo!."Kumunot yung noo ko sa sinabi niya.Ang bait ko kaya para pagsabihan niya ng ganun.Aish!.

"Umalis ka na.Pumunta ka na sa room mo at wag mo na akong lapitan."Ay?.Boosy ba ko masyado?
Naiinis naman siyang naglakad palayo sa kin.

Behind those eyes(EXO)Where stories live. Discover now