FALLING INLOVE WITH THE WRONG GUY

48 2 1
                                    

"Fish cracker!! Bili ng fish craker!! " Sigaw ng isang babae .

Nasa bus ako ngayon kasama family ko magbabakasyon kasi kami sa batangas. I guess 3 months ulit kami dun magiisstay sa bahay ng lola ko ayaw ko sanang sumama pinilit lang ako wala din naman akong kasama sa bahay kaya no choice.

"Ma'am fish cracker po??" Lumingon naman ako sa baba, nasa may bintana kasi ako.

"gusto mo anak?"nagnod nalang ako.

" Sige pakibigyan kami ng isa, dalawa, mga apat ho, Salamat!" binigay na saakin ni mama yung isa.Binuksan ko naman at kinain,actually ayaw ko talagang pumunta sa batangas may bad memories ako dun eh.

Naubos ko na ang kinakain ko kaya naman wala ng magawa =_= nakakabagot ang biyahe.. sinaksak ko ang earphone sa tenga ko makatulog nga muna..

zZzZzZzZzZzZzZzZzz

" Ate! Gising na andito na tayo!" niyuyugyog ako ng kapatid ko.

"Sige " tumayo na ako at kinuha yung bagahe na bitbit ko tsaka bumaba..

Nga pala ako si Cathyrine no need to know my surname.You can call me Cath. 16 years old palang ako, 4th year highschool. Wag niyo na alamin yung school ko .Yun lang ayaw ko masyadong magpakilala.

Sumakay na kami sa trycle papunta sa bahay ng lola ko. Maya maya pa nakadating na kami, nauna na kong bumaba ng sasakyan.

tinignan ko ulit yung lugar.Pinaikot ko ang tingin ko..



Ito yung lugar kung saan ko siya nakilala at dito ko naramdaman yung sakit at panlolokong ginawa ng walang kwenta kong first love ..

>>> flash back..

Exited akong pumunta sa batangas because makakasama ko nanaman ang long time no see kong pinsan na makukulit dun lalong lalo na si Gail. Kakababa ko lang ng sasakyan may tumawag na agad saakin.

" Cathy?" napalingon naman ako.

" Ikaw nga! Ate Cathy! Dalaga ka ng masyado ang ganda mo pa" ngumiti naman ako siya ang pinsan ko call her gail.

"oh? Kamusta na? makadalaga ka parang hindi ka na rin dalaga ah?" tapos kinuha niya yung bag ko tinulungan akong magbuhat nauna na kami maglakad.. " siguro may boyfriend ka na no?" matripan nga itong babae na ito >:D

Nagblush siya..kitang kita ang pamumula niya kasi maputi siya..

" aba! Naunahan mo pa ako—" naputol ang pagsasalita ko

"Cathy!!" napalingon nanaman ulit ako oh si lola pala ^_____^ di ko napansin nasa bahay na pala kami, nakita ko si lolang napatigil sa pagwawalis..

" La! " tapos niyakap ko siya , namiss ko si lola ng sobra

" Hoy! Juanito lumabas ka nga dyan! Andito apo mo.. "- lola

" Sino??" sigaw ni lolo habang lumabas " oh! Cathy! Kaw pala laki na ah?? Dalaga na may boyfriend ka na ba?" tapos niyakap rin ako ni lolo

" Lo! Wala po. Grabe naman kayo , boyfriend agad? agad?" tapos nagacting akong nagtatampo- tampuhan.

short storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon