2.

1 0 0
                                    

Meg's POV

Nandito kami ngayon sa grandstand ng school para magpractice ng field demo namin. Foundation Day na kasi next week. Kasama ko sila Irish ngayon at nagkkwentuhan nanaman kami tungkol sa lovelife niya... oh edi siya na may lovelife! Walang forever! Kami lang ni Chanyeol!! Bwahaha.

Maya-maya, narinig kong may mga nagtitilian sa tabi ng seminary gym. Eh etong mga kaibigan ko na-curious sa mga babae kaya hinila nila ako papunta dun sa gym. Pagdating namin, nakita ko yung tukmol na nang-aasar sakin!! Hay nakooo. Aalis na sana ako ng bigla akong hinila pabalik ni Irish.

"Hoy! Saan ka pupunta? Dito ka lang. Papanoorin natin si Daddy Reyes."

"Huh?! Ayoko nga! Bwisit kaya yang lalake na yan!"

Ayoko! Aalis na talaga ako. Naglalakad ako ng biglang---

"Bibilhan ka namin ng EXO merch basta magstay ka dito sa gym!"
Sigaw ni Irish. ANO RAW? EXO MERCH? WAAAAH SIGE NA NGA :((

----------

Natapos na yung debate ni tukmol kaya naman babalik na kami sa grandstand para sa practice namin.

"Pssst." Sino ba yun? Lumingon ako at napasimangot nung nakita kung sino ang tumawag sakin.

"Ano kailangan mo?"

"Pinanood mo ba ako kanina sa debate? Galing ko diba? Sabi ko naman kasi sayo, mas magaling naman ako di-hamak sayo." Pagmamayabang niya.

"Okay! Pakielam ko naman sayo ha?!"

"Wushuuu. *whispers* naiinggit ka lang kasi sakin. HA HA HA."

"HA HA HA. ASA KA PA. LUL."
At tuluyan na akong umalis sa pwesto ko. Nakakapikon. Ang yabang. Akala mo naman kung sinong genius. Pwe.

"Announcement! We are about to start the practice for our Field Demonstration. Please proceed to your designated areas."

*play Shut Up and Dance by Walk The Moon*

Hay nako. Nakakasawa na. Paulit-ulit nalang 'tong kantang to. Bet na bet nila eh. Tapos dito pa kami sa may mabuhangin na lugar. Ang malas ko naman. May asthma kasi ako kaya baka anytime atakihin ako. Jusko wag naman sana. Nakakahiya.

At eto na. Nagstart na kaming magpractice. Okay sayaw dito. Oh yeah oh yeah. Mas gaganahan siguro akong sumayaw kung kpop ang kanta. Lalo na kung EXO! Kaso hindi so okay bye.

Teka wait--- hala eh?! Ang galing sumayaw ni Daddy Reyes ah? Ay puta ano?!! Daddy Reyes ew. Tukmol na nga lang. -____-

Hala ang galing niya mga bezzy. Simple lang yung dance steps pero bakit ang ganda ng dating pag sa kanya? Huhu whyyy :(

-------

Pauwi na ako ng bahay ngayon, maaga natapos ang practice kasi maganda at malinis naman ang mga performance ng bawat klase. Pasakay na ako ng jeep ng may marinig akong mga babaeng nag-chichikahan sa likod ko.

"Uy besh! May kwento ako! Kilala mo ba yung gwapong matalino na si Sean Reyes? Yung sikat na new student na nagdebate kanina sa seminary gym!"

"Oh ano meron sa kanya?"

"Di ko alam kung bading siya or what. Pero may nagsabi sakin na nahuli daw niyang sumasayaw ng kpop music si Sean sa cr! Omg sayang ang looks niya pag ganon."

"Weh sure ka? Malay mo fanboy lang siya ng kpop?"

"Hindi besh eh. Feeling ko talaga bading. Tapos naiilang pa siya sa mga ibang babae. Minsan nga mag-isa pa."

Hindi ko na sila natapos pakinggan kasi may jeep na tumigil sa harap ko. Kaya sumakay na ako.

Si tukmol.. fanboy ng kpop? Hmm. May tinatago ka palang kababalaghan ah. Ngayon may pang-asar na ako sa'yo. Bwahahaha! Humanda ka sakin ngayon.

From Hate to Love (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon