Pinilit kong 'wag antokin sa klase ng panot na Teacher na ito.
Bakit ba kasi ganito siya mag-turo? Tss, shame.
Di manlang ba s'ya naturuan ng style sa pagtuturo? like 10 effective ways of teaching. Pshh, di manlang nag-Search sa google. Wala sigurong budget pang-internet. Sabagay loser siya eh.
Ngayon totoo ngang walang subject na boring, depende sa nagtuturo.
But I keep my cool. Syempre di ko pinahalatang naiinis na ako. Duh? mapahamak pa ako neto eh.
"Okay class, any questions about our discussion?" Nagtanong pa, sino naman ang gaganahang magtanong sa iyo tungkol sa dine-discuss mo eh mukha ngang walang nakikinig.
Pero hays, pagkatapos magtanong ng teacher na 'yon ay agad akong tinignan isa'isa ng mga tao sa loob ng klase niya.
Ano pa nga ba. As usual, they expected "Janexquis" to ask that boring teacher, first.
Haaayy! bahala na. Walang gana akong tumayo.
"Why you have to be that boring?" I wanna ask him.
But of course being Janexquis. Instead of asking I just said " We don't have any questions for you Sir, dahil dinescuss mo sa amin ng walang labis walang kulang. You're a good teacher" sabay ngiti ng pilit.
Eww, I feel like I'm someone "Plastik" and "Sipsip". Pero totoo naman mapagpanggap ako.
"Thank you Ms. Montellano" Sabay ngiti niya pa ng pagkalapad.. feel niya rin? Pssshh.
Mabuti nga't pagkatapos niyang magpathank you ay dinismiss niya na kami.
Mabilis kong inayos ang gamit ko para makauwi ako kaagad.
I can't take this anymore. Urghh! kanina pa ako nagtitiis, magpakaplastik dito. More like ever since forever. Parang pro na nga akong umacting. Sayang lang at walang dramaclub dito.
Lalabas na sana ako ng room ng may Tumawag sa akin.
"Babe, wait up!" ay ang beseet talaga. Sa sobra kong inis sa panot na yun nakalimutan ko na may isa pa palang pucha dito.
Ano ba itong pinasok ko?
"Oh sorry, andyan ka pa pala" malambing na sabi ko. Inis na inis na talaga ako . Ahhhhh! gusto ko na talagang sumigaw pero. Inhale... exhale. Just keep your cool.
"Anong akala mo sa akin naka alis na? Grabe naman." Parang may halong pagtatampo pang sabi niya at may pacute cute pang nalalaman.
"No not like that. Ahm, masyado lang akong maraming iniisip at saka nagmamadali akong umuwi" pagdadahilin ko naman. Half lie.
"Bakit naman? Hatid na kita." Tumango nalang ako.
"Kasi mukha daw may bisitang darating sa bahay." another lie.
"Ahh" di nako sumagot sa kanya at dumiretso sa sasakyan niya.
May kaya kasi ang pamilya nila kaya may sasakyan. RichKid kasi ang koyaa.
Buong byahe ay bagot na bagot ako. Kwento siya ng kwento. Hayyy. Di ko naman maintindihan.
"Alam mo ba Babe. Palagi nalang akong tinatanong nila Mommy kung bakit daw ayaw ko ng sports? Eh, sagot ko naman di ko trip. Paano ba naman si Kuya varsity sa Lawn Tennis eh ako daw wala. Mas gugustuhin ko pang mag-aral kaysa maglaro-laro. " Oo di siya katulad ng ibang lalaki na mahilig sa sports. Mas pipiliin niyang maging Honor student kaysa maging varsity player.
Gwapo naman siya. Nerdy look pero hindi nerd. Matalino siya at katunggali ko daw sa loob ng klase. Taka nga sila kung bakit di man lang kami nag-aaway as a couple dahil mortal enemies kami pagdating sa Honor standing.