Dear You,
OO, IKAW. Ikaw na bumasag sa puso ko. Naaalala mo pa ba ako? Naaalala mo pa ba tayo? Kasi ako, sobra. Bawat segundo ikaw at ang masasaya kong alala sa'yo ang laging tumatakbo sa isip ko.
Sa sobrang bilis ng takbo ng oras, hindi ko namalayang mawawala ka nalang sa akin nang ganun kabilis. Bago tayo natulog, sinabihan mo pa ako kung gaano mo ako kamahal at ganon din naman ang ginawa ko. Ilang beses mong sinabi sa akin na papatunayan mo sa akin na may forever, 'di ba? Naaalala mo pa ba yun?
Madalas kasi nating pagtalunan iyon e. Hindi naman 'yung seryosong away. Pabiro pa nga e. Hindi kasi ako naniniwala sa ganon. Pero dahil sa'yo umasa ako. Umasa akong papatunayan mo sa akin na meron nga talagang Forever sa ating dalawa. Umasa akong tayo na hanggang dulo. Umasa akong ito na iyong sinasabi nilang "extreme love". Iyong kahit ilang beses masaktan, babalik-balikan natin.We've been through lots of ups and downs. I didn't expect things to go upside down.
Ngayon sabihin mo sa akin. Mali bang umasa ako sa lahat ng sinabi't ipinaramdam mo sa akin? Mali bang mahalin ka? Or worse, mali bang nakikilala pa kita? Tell me. Mali ba lahat?
Loves,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You, Love Me
Short StoryIt's true that the least you expect things to happen, it will surely hit you. Sino ba ang nagpauso sa FOREVER na iyan?! Hindi niya ba alam na marami na siyang napaasa at napagmukhang tanga? Tayo namang mga uhaw sa pagmamahal, hala sige! GO LANG NG G...