.Rated SPG.
Ako si Kirsten Santos,20 years of age,and also an independent lady,and this is my Bad Romance.
---
Nagjojogging ako ngayon sa tahimik na lugar dito sa village namin. Yung tipong wala kang makikitang tao? Puro kuliglig lang yung naririnig ko,kaya nag suot na lang ako ng bluetooth earphone.
"Fvck shit!"
Hindi ko napansin yung pusa,kaya nadapa ako,itim pa siya at madilim pa kasi, 5 o'clock ng madaling araw.
Lumingon ako sa likod ko,pero wala ni isang tao,malayo nako sa bahay ko kaya hindi na sumagi sa isip ko na bumalik.
Papatayo na ako nang makaramdam ako ng kirot sa tuhod ko.
"Damn! Bakit ngayon pa!"
Hinawakan ko yung tuhod ko na sobrang dami ng dugo,kumapkap pako sa bulsa ko,pero wala! Wala akong panyo shit lang!
"Excuse me miss? Do you need help?" Boses ng isang lalaki.
Jusmiyo! May tao pa pala dito?
Hindi ako lumingon sa kanya,pero lumapit parin siya sakin,at umupo sa sa harap ko,malaki yung katawan niya,at maputi na naka reading glass parang nerd ganun? and base sa physical characteristics niya nasa mid 30's siguro
"Dapat talaga kapag mag jojogging ka ng ganto kaaga,may flash light ka para hindi ka nadidisgrasya." Nakangiting sabi niya habang tinatalian ng panyo niya yung tuhod ko.
"Hindi ko naman alam na mang yayari to." Seryoso kong sabi habang naka tingin sa kanya.
Tumayo siya matapos akong talian sa tuhod,at tumalikod na papaalis.
"Wait!"
Mabilis akong tumayo to say thank you pero mabilis din akong natumba dahil masakit talaga yung tuhod ko eh.
Nung narinig niya yung pag lagapak ko sa lupa,napa lingon siya at napa takbo at agad akong inalalayan patayo.
"Kasi naman aalis kana agad nang hindi pako nakakapag thank you,yan tuloy." Nakahawak siya sa bewang ko at nakaakbay ako sa kanya.
Naglakad kami,kahit pa ika-ika pako."ako nga pala si Kelvin Santillan,nice to meet you." Inabot niya yung kamay niya kaya nakipag shake hands narin ako."ako si kirsten,kirsten santos,nice to meet you and also thank you." We both laughed while walking.
"San ka nga pala pupunta?"
"Nag jojoging ako."
"Pano yan,may sugat ka?"
"Papasikatin ko lang yung araw then uuwi na rin ako."
"Malapit lang bahay namin dito,onting lakad na lang gusto mo muna ba dun,para maka inom ka?"
Tinignan ko yung tumblr ko at yes it is nothing but empty. "nakakahiya naman,painom na lang ako tas uuwi na din ako." I smiled.
"Sure." He smiled back pero may dimple sa magkabilang pisnge. Ano ba tong iniisip ko. Erase!
Maya maya nakarating narin kami sa bahay nila,medyo tago pala kasi walang katabing bahay at mapuno pa. I just have one question, pano siya nakakatagal sa gantong klaseng lugar? No neighbors as in nothing. Diba napakabilis mang judge. Malay ko ba sa buhay niya diba?