Being a fangirl is not that easy.Yung gustong gusto mong makausap, mahawakan, mayakap, matitigan pero hindi mo magawa.
Bakit? Dahil isa ka lang sa mga 'fans'.
Hindi ka makagawa ng move para makita mo sila.
Bakit? Dahil ilang kilometro ang layo niyo.
Kahit nasa iisang mundo kayo wala kang magawa kundi panoorin at titigan nalang sila sa mga social media nila.
Yung sinasabi mong 'asawa ko yan!' 'Hala! Yung kabit ko!' 'Yah! Nagtaksil ka na naman saakin! Wag kang uuwi dito mamaya!' 'Beb naman eh! Diba tinuruan na kita ng tamang pagsuot ng damit? Hindi ganyan! Nilalantad mo lang abs mo!' ganyan ang line ng isang fangirl pag dating sa bias slash asawa daw nila.
Minsan pa nga kapag may nakitang ibang kasama na artistang babae ganito agad reaksyon 'aarrrgghh!!! Sino ba tong babaeng to?! Kung makayakap eh! Sabunutan ko yan!' and etc.
At sa tuwing nakikita mong sobrang jolly at energetic ng bias mo mas masaya pa ang nararamdaman mo. Dahil ngiti at tawa palang nila sobrang saya mo na.
Kaya kapag may nang bash, gera agad ang labas. Dahil sa walang katapusang pagtatanggol sa idol mo.
Sa tuwing crying moment na iiyak kana din. Dahil nasasaktan ka kapag nakikita mong umiiyak ang bias mo. Lalo na kapag magpapasalamat sila sa love and support ng kanilang mga fans.
At magiging proud ka kapag narinig mong nag 1st runner up ang kanta nila. (First runner up tho^^ hahahaha)
Dahil alam mo at alam ng panginoon kung gaano sila nagtrabaho para sa pinaka the best nila. Para maging masaya at proud lahat ng fans.
Pagiging fangirl, updated sa buhay ng bias nila. Hindi yan papahuli.
Kaya kapag may concert. Parang binagsakan ng langit at lupa, dahil walang budget at hindi pinayagan.
Masakit at mahirap. Pero kailangan tanggapin.
Ang pagiging fangirl, mahirap pero hindi nakakapagod.
Dahil kahit pasuko kana bumabawi ang bias tulad nalang ng comeback. At selfie's nila.
Dito natutong umasa, masaktan, magpakatatag, magmahal, sumuporta, maghintay at magtiis ang mga fangirl.
Kagaya ni brittany.
ano pa kaya ang buhay ng isang fangirl?
Katulad nga din ba ni brittany ang mga nabanggit sa itaas?
Kung isa ka sa mga nabanggit sa itaas magkakasundo tayo!
At kung hindi? Chupi kanalang.~
~annyeong! Hahaha. Isa ka nga ba sa mga fangirl? Tambay kana dito! Hihi.
P.s: unedited po itong story na to. Alam niyo naman po ibig sabihin niyan diba? Hehez.😘
BINABASA MO ANG
Life of a Fangirl (On Going)
FanfictionIsa si Brittany sa nag-aasam makita ang mga idol niya. Kaso mukhang malabong mangyari ang gusto niya. Dahil unang una, nasa pilipinas siya at yung idol niya nasa korea. Nasa mabuting pag-iisip pa naman siya kaya inisip nalang muna niya ang pamilya a...