Chap 5- Day 1 in two things

29 1 0
                                    

Cyrene's POV

Inayos ko muna mga gamit ko sa kwarto ko. Siguro naka dalawang oras ako sa pag aayos. Well, kahit hindi ako girly, medyo matagal din ako pag dating sa mga damit, fashion pero i pick the elegant, cool, and stylish colors.

Nag desisyon muna si kuya na bukas na lang daw mag ikot ikot dito sa Qatar. To be exact sa doha. Kaya nagplano na akong matulog.

Nagsuot na ako ng pajama, binuksan ko ang humidifier at pinatay ang ilaw. Ang liwanag na lang na nakikita ko ay ang ilaw ng humidifier.

Pumikit na ang aking mga mata ng bigla akong nakarinig ng boses. Ang boses na nagpaakit ng aking puso, isip, at buong pagkatao ko.

Lumingon ako sa paligid pero wala akong makita kaya binuksan ko ang lampshade. Pagbukas ko, wala akong nakitang tao. Kaya pinatay ko na ulit ang ilaw. Handa na akong matulog ng biglang may maalala na naman ako

Flashback...

Andito ako ngayon sa hallway papunta sa music room. Dito kasi ako minsan tumatambay pag may free time pa ako sa lunch break.

Pero nagulat ako ng may tumutugtog na parang banda.

Sumilip ako ng kaunti at nakita ko ang limang nag gwagwapuhang lalaki sa mini stage sa loob ng music room

Syempre kilala ko tong mga to. Mga kaklase ko sila at parang sila yung pinaka hinahangaan ng mga babae rito sa Academy. Pumasok na ako ng tuluyan.

Nakita ko si Mark na tumutugtog ng drums, si Kris naman sa Gitara, si Gian naman sa Piano, si Jeremy naman ang second vocalist, at nakatawag ng pansin ko, ay si Jake ang lead vocalist nila. Napaka ganda ng boses niya. Cool, smooth at ang sarap sa pakiramdam marinig ang boses niya.

Ang pinapatugtog nilang kanta ay "If I was Your Boyfriend" ni Justin Bieber. Kaso ang pagtugtog nila parang mas pinasaya pa nila yung tono ng kanta kaya para bang napakasaya at talagang mabubuhayan ka.

Yung drums mas binigyan ng mood yung kanta na mas lalong nagpasaya, yung gitara na parang maganda ang mood niya, at ang mic na ang kumakanta ay parang masayang masaya siya kaya nagbigay saya din ito.

Napatingin sakin ang lead vocalist, si Jake. mas lumawak ngiti niya at pinagpatuloy ang kinakanta niya. Minsan napapansin kong patingin tingin siya sakin habang kumakanta siya.

Gusto ko mang ivideo pero di ko magawa kasi parang matanggal lang ang mata ko ng saglit sa aking napapanood parang nanghihinayang ako, ganun ka cool at amazing ang pagtugtog nila. Para bang magical ang nakikita ko.

Natapos na silang tumugtog kaya napansin nilang lahat na nanonood pala ako sa kanila. Mag uusap pa sana kaming anim kaso biglang nag ring ang bell kaya kanya kanya kaming punta at takbo sa mga classroom namin.

Grabe, yung scene na yun, hinding hindi ko talaga ito makakalimutan. Lalo na ang boses niya. Ang boses ni Jake na talagang nagpatibok ng puso ko.

End of flashback..

Nabigla ako ng biglang may tumulo sa mukha ko. Napahawak ako dito at narealize kong..

"Ha!. Umiiyak na pala ako.Memories can bring you happiness, inspiration but it doesnt mean memories cannot bring sadness and pain" sabi ko sa sarili ko.

Memories. There are many types of memories. One is, that memory is happy that brings happiness in present.

¤memories that was joyful but brings sadness

¤memories that was pain and sad gives motivation and determination

¤ memories that is sad in the past and still brings sadness in the present.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Change For NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon