YESSSS!

2 0 0
                                    

3rd Person POV

"Haaaaaayyyy buhay." Mahabang buntong hininga ni Annie habang nakasilip sa labas. Natatanaw niya kasi mula sa kinauupuan niya ang kanyang dakilang crush na ngayon ay nakatambay sa open feild.

"Ang haba naman niyan friend! Mahaba pa sa traffic sa EDSA." Biglang sulpot naman ng kanyang kaibigang si Cherry.

"Ang ganda kasi ng tanawin" Tila wala sa sariling sagot naman ni Annie. Na kung titignan mo ay parang lumilipad sa alapaap. Nakapatong kasi ang mga kamay nito sa ilalim ng kanyang baba at ang siko ay nakatukod sa kanyang kinauupuan.

"Ha? Anong magandang tanawin?" Sabi ni Cherry. At sumilip rin sa labas. "Ahhhh! Kaya naman pala magandang tanawin" Tila nalaman na ng huli ang sagot. " Wag kang ano dyan! Si Hiro lang pala." Pagkasabi nun ay bumalik sa pwesto si Cherry.

"Anong lang? Maganda naman talaga." Hindi pa rin paawat sa pag day dream si Annie. At titig sa lalaking nakaupo sa ilalim ng puno.

"Oh? Lagi mo naman siyang nakikita diyan sa pwesto na yan. Di ka pa ba nagsasawa?" May himig ng pag ka inis sa boses ng kaibigan. Marahil sa katangahan ng kaibigan.

"Hindi" Maikling tugon ni Annie. At nay mga ngiti pa sa labi nito.

Sa isang banda naman.

Ayan na naman siya. Hindi ko alam kung pano ko gagalaw dito sa pwesto ko. Na coconcious ako. Agh! Nakatingin na naman siya sakin. Isip isip ni Hiro.

Nakikita niya mula sa kanyang pwesto ang babaeng madalas nahuhuli niyang nakatitig sakanya. At aminin man niya o hindi, kaya lang naman siya madalas nakatambay dun ay dahil sa babaeng laging nakamasid sakanya.

Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Kasi ako, oo. Dahil mahal ko yung babae na yun. Unang kita ko palang sakanya.

Sana dumating yung tamang panahon na makapag tapat na ko ng nararamdaman sakanya.

Tumagal ang pag tambay ng lalaki sa kanyang pwesto. Dahil natuon ang atensyon nito sa pag rereview hindi marahil napansin ang oras. Nang nalaman kung anong oras na nagmamadali itong tumayo para pumunta sa susunod na klase.

Si Annie at Cherry naman ay naglalakad dahil pinapatawag raw sila sa SSC office. Dahil pareho silang miyembro doon. Sa kanyang pag mamadali. Hindi niya napansin na may biglang sumulpot sa harap niya kaya't nagka bungguan sila.

"Aww." "Aray" sabay na sabi ng dalawa.

Hindi makapaniwala si Hiro sa nangyari. Nakita na niya ng malapitan ang babaeng matagal na niyang gusto. Sa isip isip ng binata. "Eto na po ba yung hinihiling ko na tamang panahon? Pero may klase pa po ako" hindi mapigilan itanong ng lalaki sa sarili.

"Ahh. Pasensya na. Nagmamadali kasi kami. Hindi kita napansin. Sorry ulit." Si Annie na ang unang nagsalita. Parang late nag sink in sa kanya ang nangyari ganun din sa kaibigan at sa lakaking kaharap niya.

"ah sige. Pasensya na din. Nagmamadali din ako. Sige. See you around." Pag hingi rin ng paumanhin ng lalaki sabay lakad paalis.

Naiwan ang dalawang dalaga na tila dumikit na ang mga paa sa lupa.

"Hoy! Tara na! Baka mapagalitan na tayo ni Pres. Mamaya ka na mag day dream." Si Cherry ang unang nakabawi sa pangyayari.

Kinabukasan

Maagang pumasok si Annie. 10 pa ang kanilang klase pero 9 pa lang ay nandon na siya. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon.

Umupo na siya sa usual seat niya at tumingin agad sa labas. Sa tinatambayan ng lalaki. Nagtaka siya ng makitang wala pa roon ang huli. Ngunit naisip niya na baka maaga pa o di kaya'y may klase ito.

Yes Or Yes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon