Simula

604 46 44
                                    

HIRAYA MARAHUYO
SIMULA
haninapolen | wp


Tahimik. Tahimik ang buong paligid, walang ibang maririnig kundi ang lagaslas ng tubig na dumadaloy mula sa make shift grotto sa malapit at ang paghampas ng hangin sa mga puno. This calms the shit out of me. Napahilamos ko ang mga kamay ko sa mukha habang tinitignan ang pirasong papel na nakapatong sa hita ko.

'ZAHARA, Shoebe C. 2020-078699 Bachelor of Science in Business Managament -- 2nd Sem: FAILED'

"Putangina," I heaved out. Napapadyak pa ako sa sobrang inis. Halu-halo ang nararamdaman ko sa ngayon: pagkadismaya sa sarili, pagsisisi, lungkot at saya. Sa mga emosyong 'yun, ang saya ang pinakanangingibabaw. Bakit? Being born in a capitalistic family, it is just expected of you to take over the business in the right time. Sucks to be me, I do not have any siblings that could just be my Daddy's inheritor. Kumbaga, sa simula pa lang, ako na talaga ang magmamana ng hard-earned company namin.

Sa totoo lang, I was never interested in business. I tried liking it, but my heart says otherwise. Kung pwede lang talaga, nursing or medtech ang program na kukunin ko. I had always been the little girl with stethoscopes around her neck. I wanted to pursue medicine, but my family won't let me.

But here I am now. I failed for the second time. I should've been on my second year. It's just that.. ang hirap gawin ng bagay na hindi mo naman gusto. Well, college suck the life out of me and studying business is seriously not for me.

Habang pinapakalma ang sarili, tinago ko ang papel sa bag at uminom ng tubig mula sa tumbler na dala 'nang biglang mapatigil..

I was in the campus' hidden park, that's what they call it because students rarely go to this place for the reason that it's quite a long walk from all the buildings. But, I prefer spending my leisure time here alone. The place was so quiet not until..

I heard someone singing. At first, I could only hear hums and guitar strings being plucked, but later on, I heard a voice.

Parang otomatikong tumigil ang mga luha ko 'nang marinig ang boses.

"Natuto na akong pakinggan," tumigil ito at umubo ngunit umilit ulit. "Natututo na akong salubungin
Alon ng buhay na kinatatakutan
Sa bawat hampas, aking natutuklasan
Iisa ang langit na natatanaw
Kulayan natin ng ngiti at tawa
Ang mga araw na makulimlim."

At sa pagtigil niya sa pagkanta, naramdaman ko 'rin ang pagtigil ng tibok ng puso ko. Posible ba 'yun? 'Mas lalong tumahimik ang paligid, pero kahit pa ganon ay hindi ko ramdam ang pag-iisa.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses, sa may bandang kanan, sa kabilang gazebo. Dahil sa anggulo at ilang halamang nakaharang, hindi ko masiyadong tanaw ang lalaking may dalang gitara. Tumayo ako upang masilip siyang mabuti ngunit nakita ko na lamang na nagmamadali siyang ipasok ang malaking notebook sa bag at hindi na nag-abalang ilagay muli sa lalagyanan ang gitara atsaka nagmadaling tumakbo pa kung saan, sa may Tarpio Hall. Ang alam ko kapag diniretso mo 'yun ay ang building ng College of Engineering. Hmm, he must be an engineering student if that so.

Hindi ko namalayang nasa dibdib pa 'rin pala ang kanang kamay ko hanggang ngayon. Natawa ako sa sarili 'nang mapansin 'yun.

It's funny 'noh? How I suddenly forgot all my problems when he started to sing. Hindi ko 'man tanda lahat ng mga kinanta niyang salita pero alam kong hinding-hindi ko makakalimutan 'yung naramdaman ko habang pinapakinggan siya.

It was sullen and peaceful. It gave me hope. There was something inside me that stirred. Kulayan natin ng ngiti at tawa ang mga araw na makulimlim. It was short, but it was powerful. It made me feel something.

Hiraya Marahuyo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon