Chapter 1
"Maya, psst, Maya.. Huy."
Natigil ang mahimbing kong pagtulog ng may marinig akong boses ng isang lalake. Inangat ko ang ulo ko mula sa armchair at tinignan kung sino man yung tumatawag sakin. Nakita ko si Jay sa harapan ko. Tumayo ako at tinulak paalis ang mukha ni Jay sa mukha ko. Sobrang lapit naman kasi. Ang gwapo pa naman niya tapos nakatitig sakin. Matutunaw ako sa titig ni Jay eh. "Grabe ka naman Maya. Makapag-alis ng mukha ko wagas ah." sabi niya sabay hawak sa kamay ko na pinangamit ko para ilayo ang mukha niya sa mukha ko. Malamig ang kamay niya, siguro tumambay nanaman 'to sa tapat ng aircon. "Malamig.." imik ko habang mindlessly kong hinawakan ang kamay niya ng dalawa kong kamay. Naramdaman kong nag "twitch" ang kamay ni Jay. Mukhang nagulat sa ginawa ko. "Maya? Okay ka lang ba?" tanong sakin ni Jay habang tinitignan ako with his dreamy eyes.
"Okay lang ako. Malamig kamay mo Jay. Tumambay ka nanaman ba sa tapat ng aircon?"
"Hahaha, Oo eh. Mainit kanina.. Galing kasi kami sa labas para mag basketball."
"Ganun ba, kaya pala nangangamoy eh."
"GRABE KA TALAGA MAYA!" sigaw niya sabay hampas ng mahina sa balikat ko.
"Hahaha, joke lang. Mabango ka pa nga eh." sabi ko ng nakangiti.
Nagtawanan na lang kami ni Jay habang inaasar ang isa't-isa. Nakakainis siya mang-asar. Puro na lang "maputla" at "walis tingting" ang iaaasar sakin. Ah, nakalimutan ko nga pala magpakilala. Ako nga pala si Airlea Maya De Jesus. Tawag nila sakin ay "Maya" o kaya "Lea". Katamtaman ang hugis ng katawan, maputi (as in sobra), honor class, ace sa track & field at nag-aaral sa Sta. Escolastica. Isang co-ed school na kung saan lahat ng mayayaman at anak ng artista ay nag-aaral. Alam ko na ang nasa isip niyo, oo anak ako ng isang artista. Mama ko ay isang artista at model sa USA habang ang Papa ko naman ay may-ari ng isang business company na kilala sa Europe at Pilipinas. Syempre, wala parents ko dito sa bansa. Busy-busyhan sila and at the same time binubuhay ako at si Kuya Eman. May kapatid nga pala ako, siya ang nag-aalaga sakin sa mansion ngayon. Ito namang nasa harap ko ngayon na inaasar ako at the same time na pinapakilig ako ay si Angelo Jay Martinez, isang makulit na matalino na mabait na kaibigan para sakin. Magkakilala kami nito since grade 1 at crush ko ever since. As in, head over heels ako sa lalaking ito.
"Maya, tara kain tayo sa roof top ngayon." sabi ni Jay sakin sabay kapit sa baunan at kamay ko. Mahilig siya mangkapit ng kamay eh no? Ano ba, kinikilig ako sayo Jay. Haaay- okay, Maya back to reality. "Sige lang Jay. Paunahan?" reply ko ng nakangisi. Si Jay pala ay ace din sa track & field, matalino at model sa isang kilalang kompanya sa Korea. Chinito siya eh, sobrang gwapo at may abs pa. Haaay.. nakakatunaw kahit iniisip ko pa lang. Lakas talaga ng tama sakin ni Jay. Kailan kaya siya mapapasakin? Iniisip ko nga sa upcoming academy festival eh. Hmp, pag-isipan ko na lang ito ng mabuti.
"Sige lang." reply niya habang nakangisi na din. Lumabas na kami ng classroom at ang mga estyudante ay nagsitabihan. Nag ready na kami, syempre may warm-ups. Mapano pa ang aking katawan kung bigla ko itong itatakbo. "OKAY! Ready in three-two-one!" sigaw ng feeling emcee naming class representative.
Nagsimula na kami tumakbo. 1st floor kami located at 5th floor ang rooftop. Malayo-layo din ang tatakbuhin. Pwe, ako ang nanghamon kaya go lang ng go! "Maya, mag-ingat ka ah." sabi sakin ni Jay habang nakangiti. Parehas kami natakbo at patas lang ang distansiya namin sa isa't-isa. "Salamat!" sigaw ko at binigyan siya ng maliwanag na ngiti. Nasa 3rd floor na kami in less than 3 minutes. Nauunahan ko na siya ng isang mtero mula sa staircase papuntang 4th floor.
"MAYA! WATCH OUT!" sigaw ni Jay sakin, napalingon ako sa dinadaanan ko at nakita ko ang isang lalake sa harapan ko. Binend ko agad ang likod ko sabay dulas pailalim then tayo bigla. Tumigil si Jay sa harap ko, "Maya! Okay ka lang ba?" tanong niya habang tinitignan ako. "Oo, okay lang ako. Whew! Buti na lang may reflexes ako!" sabi ko sabay tingin dun sa lalake na muntikan ko na mabunggo. Nakatingin lang siya sakin sabay lakad palayo. "Buti naman, grabe. Kinabahan ako sayo Maya." sabi ni Jay sabay akbay sakin. Ngumiti na lang ako at naglakad na lang kami papunta sa rooftop. Nag-alala ng husto si Jay sakin nun. Nakita ko yung pagmumutla ng mukha niya ng makita niyang may muntikan na ako makabunggo. Salamat kay Jay walang aksidenteng nangyari.
Nasa rooftop na kami ngayon ni Jay. Naglatag na siya ng tela sabay upo. Ako naman ay nakasandal sa may riles at tinitignan ang view habang ang hangin ay pumupunta sa direksyon ko. "Maya, tara kain na tayo" yaya sakin ni Jay habang nakatingin sakin. Tumungo na lang ako at umupo sa tabi niya. "Ano ulam mo?" tanong ko sa kanya habang binubuksan niya ang kanyang baon. "Hmm.. Siguro manok nanaman." reply niya sakin at tinignan ang laman ng baunan niya. Adobo nga na may sidings na carrot and corn. Ang cute ng baon niya, siguro si tita nanaman gumawa nito. Buti pa siya, pinagluluto ng mommy niya. "Maya, subuan kita? Gusto mo?" nakangiting akit sakin ni Jay. Winagayway ko ang kamay ko as a sign na wag na. "Hahaha, may baon naman ako Jay eh. Sige kumain ka na lang dyan." sabi ko sabay bukas din ng baon ko. Ngumiti na lang si Jay pero may hint ng disappointment sa mukha niya. Halata ko yun. Malamang, bestfriend ko ata tong katabi ko.
"Ah.. manok din ang akin." mindlessly kong nasabi pagkabukas ng baunan ko. Niluto kasi ito ng chef namin sa bahay. Kaya medyo disappointed ako dahil hindi luto ng mommy ko to. Minsan talaga naiingit ako sa buhay ni Jay. Mayaman na nga andun pa rin ang essence ng family bonding nila. Pero thankful naman ako sa buhay ko ngayon. "Talaga? Hahaha! Osiya, tara kain!" sigaw ni Jay sabay sumubo ng malaking piraso ng manok. "hinay hinay lang Jay, mabilaukan ka niyan!" sita ko sa kanya then sumubo na din ako ng akin. Mhmm.. masarap talaga luto ni Chef George. Nabalot kami ng katahimikan, panay lang ang kain namin and then nung matatapos na kami..
"Maya.. next saturday may gagawin ka ba?" nabigla ako sa tanong ni Jay. Nasira yung bumabalot saming katahimikan kanina.
"Ah, wala naman. Bakit?" reply ko sa tanong niya habang nililigpit yung baunan ko.
"Punta tayo sa amusement park na kakabukas lang kahapon sa Saturday."
"Ha? May iba pa bang kasama?"
"Wala. Tayo lang dalawa. Gusto mo?"
"Edi parang date na yun? Hahaha." natatawang sinabi ko. Hanubayan Maya yang bibig mo! Nadulas ka nanaman! Lupa, kainin mo na ako please?
"Siguro nga. Ganun na nga siguro." sabi ni Jay habang tumatawa. Haaay.. kinikilig ako sayo Jay. Grabe ang kamandag mo sakin! Lakas ng tama mo!
"Ano? Game ka ba sa saturday?" tanong niya uli, ngayon naman nakatingin na siya sakin with those hazel brown eyes. asdfghjkl-!! Sa mukha mong yan?! Tingin mo ba makakatanggi ako?
"Oo, sige game. Mukhang masaya yun eh." sabi ko ng nakangiti ng malaki. Maya, nakangiting aso ka nanaman. Stahp, ayoko kiligin. Kami ni Jay may date sa Saturday! Ermergeeeerd. I can't believe it! Excited na ako!
"Hahaha! Sige kita kita tayo sa tapat ng statue sa Liberty St. mga 8:00 am" sabi niya habang nakangiti sakin. Naeexcite lalo ako. Nginitian ko din siya pabalik.
//DING-DONG//
"Ah, time na. Tara na Jay." aya ko kay Jay dahil nakatulog siya pagkatapos ng ilang minuto pakatapos ng usapan namin. "Nn.. sige sige." inunat niya ang kanyang paa at nag flip patayo. May ganun? Kailangan mag pa impress? Jay, kahit anong gawin mo. Hinding-hindi magbabago na mahal kita. Kahit ngiti mo nga lang kinikilig na ako eh!
Bumalik na kami ni Jay sa classroom. Maingay ang klase as usual naman. Umupo na ako sa upuan ko sa may bintana at si Jay naman na sa may bandang likuran dahil matangkad siya. Inaantok pa naman ako. Paano ba naman nag racing nanaman kami ni Jay papuntang classroom. Buti na lang walang tao sa hallway kundi aksidente abot namin nito. Nagtataka kayo kung sino nanalo sa racing no? Syempre ako, dejoke. Parehas kami nakarating sa classroom. Kung baga it's a photo finish. Iba kami eh. Hay, naeexcite talaga ako sa Saturday. Zzz..