Bilang isang typical na teenager ay ilang beses na akong nagka-puppy love, halos ng lahat na gwapong lalaki ay crush ko, at dahil sa hilig ko sa Wattpad ay kahit mga fictional characters ay pinapatulan ko pa! >.< Dahil hindi naman ako kagandahan, umaasa parin ako na balang araw ay magtatagpo ang aming mga mundo.
Ako nga pala si Angel Marie Padilla, isang Grade 8 student sa ULS. Morena, matankad, balinkinitan, pero inaamin ko parin sa sarili ko na panget ako. Hindi naman maiiwasan ang pagkakaroon ng crush, at isa na doon si Chad mula sa Diary ng panget, ang cute niya talaga! Ang cover ng notebook ko, wallpaper ng cellphone, at pati ng PC ko!
"Siksikan na naman? Hindi naman ako makakabili ng Burger..." sabi ni Joy, isa sa mga matatalik kong kaibigan. Siya ang pinaka matakaw sa aming grupo.
"E kasi pagkain nalang ang nasa isip mo!" ang sabi ko.
"Malamang! Nasa cafeteria yata tayo no!" ang sagot niya.
Nasa cafeteria kami sa school, kahit malayo sa classroom ay nilalakad parin namin ng mga kaibigan kong sina Joy, Mary, Rose, Kyle, at Kimm, kami ang magkakabarkada simula pa noon Grade 7.
"Angel! halika nga dito!" sabi ni Mary.
"Bakit?" sabi ko.
"Tingnan mo ang lalaking iyon, kamuka niya si Chad no!?" sabi ni Rose.
Hindi na ako nakasalita dahil na love at first sight na ako, "Ano ba iyan! ang gwapo niya!" ang sabi ko sa sarili ko.
Dahil nun ay naging stalker niya ako, at dahil sa pagstalk ko ay nalaman ko ang pangalan niya, Sam lang ang nakalagay sa profile niya sa Facebook pero masaya na ako, at least nalaman ko yung first name niya. Nagdadownload na ako nang mga pictures niya at sinusuyod ko na ang buong profile niya. Hanggang sa pagtulog ko ay siya parin ang laman ng isip ko.
It's monday na naman! At makikita ko naman ang "Chad" ko! Dahil kamuka niya naman si Chad sa diary ng panget ay naisipan naming magkakabarkada na "Chad" nalang ang itawag sa kanya pars hindi halata dahil hindi pa naman namin alam ang totoong pangalan niya. Ngunit nalaman ko na taken na pala siya.. ;-(
Kahit nasa 1st period palang kami nang klase ay hinihiling ko na sana ay recess na. Hindi ko na namalayan ang oras at end na pala ng 2nd period namin, which means RECESS NA! dali-dali kong niyaya ang aking nga BFFs na pumunta sa Cafeteria. Pagpasok ko palang ay halos himatayin na ako, ang landi ko talaga! Ngunit hindi ko siya nakita kaya no choice ako, kailangan ko nang tumungo sa next period namin.
"Angel! andiyan ka lang pala kanina pa ako pabalik-balik sa kakahanap sa iyo." sabi ni John, isa siya sa mga kaklaseng kong gwapo, matakangkad, ngunit hindi ganun ka puti. "Sabi nila Mary, crush mo daw si Sam? Alam mo kakilala ko siya!"
At doon nag simula ang mahabang usapan...
"Talaga? Paano? Anong pangalan niya?" tanong ko sa kanya. Naintriga naman agad ako, kung ang crush ko na ang pinag-uusapan ay interesandong-interesado agad ako.
"Oo, siya si Sam Villar, transferee lang siya dito dahil mula kami sa isang school ngunit siya ay Highschool na noong Grade 5 pa Lang ako" ang sagot niya.
"Ang gwapo niya talaga no?" ang sabi ko.
"Oo nga eh, alam yung bestfriend ko nung elementary ay crush na crush siya kaya nakilala ko siya. Alam mo kahit gwapo siya konti lang ang naging girlfriend niya" sabi niya.
"Teka bakit mo ganun siya kakilala?" pang-uusisa ko.
"E kasi, magkakakilala ang mga parents namin..." sagot niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi na kakilala mo siya! Ay naku ang liit naman nga naman ng mundo." sabi ko.
At inusisa ko talaga ang katauhan niya. Ang good boy pala niya! Masunurin, maalaga, at gwapo! siya na talaga. Hindi ko ma mahinto ang utak ko sa kaiisip sa kanya. Umaga at gabi siya ang iniisip ko. Ganito talaga ang feeling kapag may nagpapatibok sa puso mo, sabi nila nakakasama daw ay pagkakaroon ng crush pag bata pa, pero on the bright side siya ang nagiging inspirasyon mo upang ipagbuti mo ang iyong ginagawa nang sa ganun ay mapansin ka niya. >•<
Angel©
BINABASA MO ANG
2 sides of love
Teen FictionAng kwentong ito ay inihango sa totoong kaganapan, pero dala ng kakulitan ng pag-iisip ko ay iniba ko ang istorya. Ito ay tungkol sa dalawang bahagi ng pag-ibig.