Ipagpatawad Mo

129 6 14
                                    

TAONG 1996

            Makalipas ang ilang sandaIi, bumukas ang pinto, at pumasok ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo.Wala na nga talagang mas sasaya pa sa araw na ito. Unti-unting sumara ang pinto ng simbahan sa kanyang likuran. Ang huli ko nang nakita ay isang batang babaeng nakabisikleta, tila manunuod sana. Sa patuloy na paglapit sa akin ni Elsa, sumagi sa aking isipan ang aking pagkabatang tuluyan nang iniwan. Naisip ko rin ang aking buhay sa hinaharap, sa landas na aming tatahakin, sa hirap na aming dadaanin, sa mga pangarap na kailangang sirain.

MAYO 1998

Ayon sa isang sulat na dumating kaninang umaga, kailangan kong makipagkita sa aming mga investors para sila’y makusap. Sa Spain?! Ayaw ko yata nito. Mahirap lumuwas. Bakit hindi na lamang sila ang pumunta dito?

“Boss...”

Ang daya naman. May mapapala din naman sila sa amin…

“Jason…”

Bahala sila. Basta hindi ako pupunta doon.

“Jason!”

Kanina pa pala ako tinatawag ni Gerry, isang empleyado sa aming kumpanya at ang aking pinakamatalik kong kaibigan.

“Ano? Bakit?!” naiirita kong sinabi.

“Wala lang. Tara, labas tayo.Kain.” aya nito.

“Ikaw na lang. Madami pa akong gagawin.”

“Alam mo Boss, hindi naman sa nilalait kita ha, pero nagtataka ako kung bakit ikaw ang nag-aasikaso niyan eh. Isipin mo, hindi ka naman nakatapos ng kolehiyo dahil ikinasal kayo ni Elsa. Bakit ba ayaw mong mag-aral ulit? Alam kong matalino ka na pero kailangan mo pa rin iyon.”

Naisip ko na rin iyon dati. Dati ko pang gusto mag-aral, ngunit dahil sa lahat ng kailangan asikasuhin matapos ang aming kasal, unti-unting naantala, at mismong si Elsa ay ayaw na rin. Hanggang sa napilitan ako ni Elsa na palakarin ang kanilang kumpanya. Naisip ko naman na kaya ko. Iyon din naman ang aking kurso, ngunit mahirap pala. Sana’y dati pa lang ay umayaw na ako, ngunit ano pa ang magagawa ko? Mahirap talaga kapag maaga nagpakasal. Mahirap tanggapin, lalo na ng magulang, lalo na kung ang iyong asawa ay iyong guro…

“Gusto ko rin naman eh, kaso hindi pwede,” mahina kong sagot.

“Bakit?” sumbat ni Gerry. “Kasi sabi ng asawa mo? Siya lang ba ang nasusunod? Aba. Dahil ba mas matanda siya? Jason, tama na ang pagsasakripisyo. Maging masaya ka naman.”

Matagal ko nang pinag-isipan at nagdesisyon na ako na sabihin kay Elsa ang matinding nais ko na makapag-aral muli. Pagkadating niya mula sa trabaho ay dinala ko siya sa aming kwarto. Akala ko ay magiging madali ang pagkumbinsi ko sa kanya, ngunit matapos akong magsalita, nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Simple lang naman ang aking gusto. Bakit ba ako hindi mapagbigyan? Siya pa ang nayayamot at nakukulitan! Sa dalawang taon na kami’y nagkasama, hindi ko kailanman naranasang magdesisyon para sa amin! Lagi na lamang siya ang nasusunod! Asawa ko ba siya o ina?! Matapos sabihin ang mga ito, siya’y tumalikod at humikbi. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, ngunit kailangan kong maging matatag. Ang huli kong sinabi kay Elsa noong gabing iyon ay kung hindi niya ako papayagang mag-aral, ay maghiwalay na lamang kami. At iniwan ko siya sa kwartong naging saksi sa pinakauna naming iringan. Naging saksi man sa mainit na pagmamahalan ay siya ring nakakita sa mga sandaling ang mga salita’y nananatiling mga produkto ng isip, mga salitang hindi na nakalabas sa mga labi, kundi’y bilanggo ng damdamin.

HUNYO 1998

Unang araw ng klase ngayon at tunay na napakaganda ng panahon, tila ako’y binabati sa aking muling pagbalik. Nagulat na lamang ako nang sinabi sa akin ni Elsa na ako’y ipinasok niya na sa kolehiyo muli. Tunay nga namang mabait ang tadhana. Sa aking pagmumuni-muni sa aking paligid ay hindi ko napansing may papalapit na palang sasakyan. Mabuti na lamang ay may humila sa akin. “Mag-ingat ka nga!” sabi nito. Jenny ang kanyang pangalan.Mabilis kaming naging magkaibigan. Pareho kami ng kurso. Ang mga kaibigan niya ay naging mga kaibigan ko rin, ngunit pinakamalapit pa rin siya sa akin.

Ipagpatawad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon