Prologue

4 0 0
                                    

Wala na eh, walang wala na , sana hinayaan mo na lang akong sirain ang buhay ko pero bakit andyan ka pa, andyan ka pa rin kahit na miserable na ang buhay ko nandyan ka pa rin para bigyan ako ng motibasyon para lang ayusin ang buhay ko.

Ayoko na! Bago ko pa sinira ang buhay ko sirang sira na dahil sa pananaw ng Papa kong hindi ako kayang matanggap dahil d hamak na anak lang naman ako sa labas

Ang katotohanan na nag pamuhi sa akin sa mata ng aking Papa, hindi man ako tunay niyang anak pero alam ko sa puso't sarili ko na siya lang ang tinuri kong ama buong buhay ko

Bata pa lang ako nang nalaman ko ang tungkol dun, dahil araw araw kong nasaksihan kung paano mag away sila Mama at Papa. Isang beses ko silang narinig na nag aaway at dun nag simulang gumuho ang buong pagkatao ko. All this time inakala kong galit si Papa sakin dahil sa hindi malamang dahilan pero yun pala anak ako sa labas

Naabutan nila akong umiiyak sa sulok ng pinto at dun nila na pag tanto na narinig ko ang lahat lahat. Tumakbo ako papuntang hardin at umiyak ng umiyak sinundan ako ni Mama pinahidan niya ang mga luhang pumapatak sa aking mga pisngi na pa hagulhul ako ng todo dahil sa ginawa niya.

Hindi pinag kait sakin ni Mama ang katotohanan ng araw na yun.Sinabi niya sakin ang totoo.

Bunga ako ng isang kamalian nila no Danny and tunay kong ama. Iniwan ni Mama si kuya Azrael sa puder ng Papa ng nagkahiwalay sila ng panandalian.Nag pakalasing si Mama at doon niya nakilala si Danny .Nagising na lang daw si Mama sa isang hotel at doon lamang pumasok sa kanyang isipan na may nangyari pala sakanila. Hindi nag laon nag kabalikan sila ni Papa dahil hindi matiis ni Papa na mawalay sa kay Mama.Lumipas ang ilang buwan at napaghalataan na lumalaki ang tiyan ni Mama. D man matanggap ni Papa ang bunga pero tinanggap niya parin si Mama nang buong puso dahil mahal niya ito.Kung gaano ni Papa kamahal si Mama ganon rin ang kabaliktaran ng pagkamuhi sa pag katao ko.Ilang beses akong pinag tanggol ng Mama sa mga pananakit at mga masasamang salita ni Papa pero wala siyang magawa dahil hindi niya kaya ang galit ni Papa sa akin maski si kuya d ako kayang tanggapin dahil ikinahihiya niya ako dala pati sa mga kaibigan niya at sa aming paaralan.

Nang nalaman ko ang lahat lahat.Hinanap ko kay Mama ang totoo kong ama.Pero nabigo ako dahil matagal na palang patay ang totoo kong ama.

Mas naging malala ang pag trato sa akin ni Papa kaya  napag desisyonan ni Mama na ipadala ako sa States sa aking Lola ang ina ng Papa.Tanggap ako ni Lola pero si Papa d niya ako kayang tanggapin.Mas minabuti ni Mama na doon na ako tumira.

Alagang alaga ako ni lola sa States at hindi ako nag sisi na pinadala ako roon dahil sa konting panahon pa lang na kasama ko si lola naramdaman ko nang may halaga pa pala ako.

At sa ngayon masaya ako dito sa States kasama ang lola.Pero sa hindi inaasahang mga salita




"Desteen you have to go back in the Philippines the business their needs your help"

RedundantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon