"Manang gisingin mo na nga yang butihin kong kapatid ng maka alis na kami"!
"Sige po master masusunod
"Maam pinapatawag na po kayo ng kuya niyo ayaw daw ho niyang malate!
Hindi ko mapigilang maluha sa aking kwarto. Bakit ba ganon sila sakin, ni hindi nila magawang maging mabuti ni minsan man lang sakin. Alam kong galit sila sakin pero sana naman kahit ni katiting dyan sa puso may maganda rin sana akong na idulot para sa kanila.Pero wala eh, wala.
'Sige po manang andyan na ho ako' inayos ko ang aking higaan at tumungo na sa cr para makapag shower.Madali akong natapos dahil wala naman akong masyadong kaartihan sa katawan.Sinuot ko na yung malaki kong salamin at kinuha ang bag ko.
'O iha kumain ka muna ng agahan' agad naman akong inimbita ni manang ng agahan nakita ko si kuya Azi na papunta sa kin.
'Alis na tayo' tumango naman ako tinanggihan ko na lang si Yaya dahil baka iwan ako ni kuya. Nakasunod ako sa likuran ni kuya patungo sa kanyang sasakyan. Buong byahe puro pang lalait ang inabot ko sa kanya wag daw akong lalapit sa kanya pag nandon sa school. Ibinaba nya ako sa may kanto tinulak niya ako sa pintuan ng sasakyan muntik pa akong masubsub dahil ang lakas ng pagka tulak niya.Naiwan ako dun sakanto at naglakad na lang.Araw araw ganyan si kuya sakin kasi daw pag dun daw ako bumaba sa school baka malaman nilang kapatid niya ako at higit sa lahat ayaw niya akong makilala ng kaibigan niya na sina Adam, Aston, at Axcel o mas kilalang D/A Devils A. Kilala ang D/A sa school halos sila ang mag hari sa buong campus isa na dun si kuya Azi na myembro ng D/A si Axcel ang kanilang lider samantalang si kuya naman ang elder sa kanila.
Papasok na akong Campus ng makita sila kuya. Ang aangas nilang tingnan at hindi maipag kakaila na gwapo nga sila.Halos mabingi ako sa tili ng mga kababaihan dito sa Campus. Hindi ko namalayan sa aking paglalakad maling direksyon na pala ang aking tinahak dahil sa nag kaka gulo na sila panay dutdut lang ako sa kanila hanggang sa may na bunggo akong isang matigas na bagay ay mali pala tao pala dahil sa naka uniform ito.
Unti unti kong inangat ang aking ulo nanlamig bigla ang katawan ko sa aking nakita. Si Axcel? natapunan ng dala dala kong liquid blue para mamaya sa Science Lab!
'Sorry, sorry , sorry po talaga' pinahid ko ang mga mantsa sa kanyang uniform pero nabigo ako at kumalat lang ito.
Tinapi ni Axcel ang aking kamay kinuha niya ang natirang liquid
blue at walang pasabing ibinuhos sa akin. Nangilid ang aking luha tiningnan ko si Kuya na na ka smirk pala ito sakin ni walang bahid na pag alala ang nakita ko sa kanyan mukha.'Wag ka kasing ta tanga tanga' pinagtawanan nila ako nabaling ang tingin ko kay kuya na sa ngayon parang masaya pa siya sa ginawa ni Axcel. Di ko maiwasan na mapa hagulhol tumakbo ako papuntang garden nakakita ako doon ng bench umupo ako at ibinuhos lahat ng aking luha. Iba to ngayon iba na to, dati mga classmate ko lang na babae ang lumalait sa akin ngayon na napansin na ako ng D/A magagalit pa lalo sa akin si kuya. Pumunta ako sa rooftop dito ako palagi umiiyak dito ako nag papalipas paminsan minsan kung wala kaming prof. dahil kung dun ako sa classroom baka ano namang kasamaan ang gawin nila sa akin.
Dito ako palagi sa rooftop kapag breaktime o walang pasok sa isang subject. Nakakapag isip ako ng mabuti dito at tahimik lang . D ako isang socialite na tao d tulad ni kuya na araw araw nag ba bar hopping. Kahit d ako socialite d ko naman pinababayaan ang aking pag aaral at ngayong malapit na ang graduation running for valedictorian ako. Pero para sa akin wala lang iyon di naman kasi iyon napapansin ni Papa alam ko kahit anak lang ako sa labas itinuri ko parin siyang tunay na ama.
Pumasok ako sa classroom, pinag bubulungan nila ako as expected yun naman talaga eh. Sino ba naman d pagbubulungan eh binangga ko lang naman at sa kamalas malasan pa natapunan pa ng liquid blue ang isang dakilang nag hahari sa Campus. Umupo ako at hindi na lang pinansin ang kanilang bulungan. Maya't maya dumating ang aming prof. at nag umpisa na syang mag lesson.
BINABASA MO ANG
Redundant
Novela JuvenilHindi ko inexpect na sa patapong buhay ko may chance pa pala ako para mag bago Hindi man nila ako matanggap pero may dumagdag naman na nag mahal sakin Mga naging karamay ko sa aking pag babago masakit man isipin ang nakaraan pero isa lang masasabi '...