#2- GUARDIANS (by: purpleyhan)

266 4 1
                                    

Name of the Author: purpleyhan

Title of the story: Guardians

Genre: Fantasy

Status of the story: On going

Description: "Guardians are powerful spiritual beings, and only true Divians can use their powers"

PROLOGUE OF GUARDIANS

"Ah! Jerry! Wag kang tumakbo sa loob ng bahay!"

"Woof!"

Ang kulit ng asong 'to! Kapag lumalabas siya sa spirit dimension, masyado siyang nagiging excited.

"Kapag hindi ka tumigil, pababalikin kita doon." Agad naman siyang huminto sa pag-takbo at pag-ikot-ikot, tapos humiga siya sa tabi ko. "Good boy."

Napatingin naman ako sa langit. Ang aliwalas ng panahon ngayon. Ang ganda ng formation ng mga ulap at clear blue talaga yung langit. Ang sarap tuloy humiga lang at tumingin sa kanila. 

"Happy birthday Reika."

Napailing naman ako dahil naalala ko na naman sina mama at papa. It's been eight years since I last saw them... at seven years na ang nakalipas simula nung... mawala sila. I don't know what happened pero nagkaroon ng gulo sa capital at lahat ng Divians, or guardian users, ay lumaban. Halos kalahati sa kanila ay namatay at kasama na doon sina mama at papa.

"Rei! Tara na! Baka hindi na natin abutan yung tren!" Nakita ko naman na tumatakbo papunta dito sa bahay si Lexine, Lexi raw for short kahit na yung tunog ng n lang yung natanggal, kababata at bestfriend ko. Nung namatay ang parents ko, ang pamilya niya ang nag-alaga sa akin. Gusto nga nilang dati doon na lang ako tumira sa kanila pero ayaw kong iwan yung bahay namin.

"Hay, kailangan ba talaga natin pumunta doon?" sabay higa ko na rin sa terrace.

Maliit na bungalow lang ang bahay namin at dahil nasa baryo kami ay uso ang terrace labas, though gawa lang sa pawid at kahoy yung lapag.

CONTINUE READING? then click the external link below. :)

***********************************************************

NOTE: Try reading Guardians and Im 100% sure na magugustuhan niyo rin ang story na yan :) Click the external link para mabasa niyo ang gawa ni miss  . ^^ enjoy reading her story guys!


BEST WATTPAD STORIES OF ALL TIMES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon