Chapter 8 (Happy when i'm with Him)

45 18 0
                                    


Pagsakay ng sasakyan wala akong ibang gustong mangyare kundi ang lumamon. Tsk!

"Lei, yung seatbelt mo" sus! Nakalimutan ko pa tuloy i lock to. Pero bago ko pa man ma lock eh ang lapit lapit na niya sakin.

tae parang slowmo lang ang peg, palapit siya ng palapit sakin. Yung hininga niya nararamdaman ko na sa mukha ko. Ikikiss niya ba ako? Shit! I'm not ready. Pumikit na lang ako.

"Yung seatbelt mo ayan, na lock ko na" *chuckle* minulat ko naman na ang mga mata ko shit! Napahiya ako dun ah. Pero malapit pa rin ang mukha niya sa akin.

Krrrruuuuuuuuhhh!!

Pagkarinig niya ng tyan ko, wala akong ibang narinig sa sasakyan kundi ang nakaka asar niyang tawa.

"stop! Ihatid mo na ako sa amin gutom na talaga ako" sigaw ko sa kanya pero hiyang hiya pa rin ako. Double kill pa nung nilapit niya ang mukha niya para i lock ang seatbelt ko at pumikit ako na akala ko e hahalikan niya ako plus narinig niya pa ang tyan kong kumulo! Hays asar.

Habang nasa byahe, hindi na talaga ako nagsalita dahil gutom na ako. Pero te-teka bat liniko niya yung sasakyan? I mean hindi sa bahay namin ang dinadaanan namin ngayon.

"Hoy kumag ka! San mo ko balak dalhin ah?" Pinag susuntok ko naman siya sa braso niya.

"Hey! sa mall tayo pupunta, kakain tayo. Hindi ba't gutom ka na?" Nagning ning naman ang mga mata ko yung sing liwanag ng sinag ng araw haha.

"Talaga? Osige bilisan mo na" at tumawa na lang siya, dahil ang lapad ng ngiti ko sa kanya.

☆☆☆

brrrruuuup! natakpan ko kaagad ang bibig ko, ito naman kasing Kian na to sobrang dami ng inorder ayan tuloy baka naman sumakit yung tyan ko.

Kita ko naman sa kanya na pangisi-ngisi siya. "Wag ka ngang tumawa jan!" Sabi ko sa kanya, nagulat naman ako sa gagawin niya pupunasan sana niya ang konting sauce sa bibig ko gamit ang kamay niya, pero medyo napa atras ako.

"Halika nga dito, may dumi ka oh" nilapit ko na lang ang mukha ko. Then dahan dahan niyang pinunasan ang sauce sa gilid ng bibig ko.

"Ayan okay na" at nag thumbs up pa siya. "Oh tara na uwi na tayo" tumayo naman na ako at sinundan niya ako.

"Masyado pang maaga, tara punta tayo sa tom's world" good idea. kaya sumama na ako sa kanya.

Habang naglalakad kami, nagulat ako dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. tinuro niya naman gamit ang nguso niya sila Sophia at Bryan na magka holding hands din at ang sweet sweet pa.

Hinanda ko na ang sarili ko, kelangan lang naman maging sweet eh.

"Oh dude! Andito rin pala kayo?" Nag fist bump lang si Bryan at Kian. Close sila? Hays hindi ko pa rin talaga maisip bakit pinagpalit ni Sophia si Kian eh.

Lies Become Real [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon