ONE

12 0 1
                                    

(MY portrayers of Lance and Nike)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(MY portrayers of Lance and Nike)

Lance's:

Siguro hindi ako mapupunta dito kung hindi ako naging book lover. Hindi naman sa sinisisi ko si John Green dahil sakanya ko nakuha ang inspirasyon ko para gawin itong kagaguhan na iniisip ko, pero siguro kung hindi ko siya nakilala at ang mga libro niya, hindi ako magiging ganito ka-awesome sa 17 years na pamumuhay ko dito sa mundo.

Alam niyo ba kung anong ginagawa ko ngayon? Naiintindihan niyo ba yung mga sinasabi ko? Ako si Lance Suarez. Basketball player ng school namin, heartthrob, adventurous at awesome. Book lover ako, oo, wag kayong magtaka. Nag-eexist ang mga kagaya ko sito sa mundo. At dahil book lover ako, Napag isip-isip ko na hanapin yung sarili kong Margo Roth Spiegelman at ikutin ang buong Pilipinas para maglakwatcha kagaya ni Dora.

March 28,2016/5:30 a.m

Nakasakay ako ngayon ng bus papuntang Tagaytay. Hindi pa ako nakakaramdam ng gantong kaba. Tumakas lang kasi ako, okay? Oo, walang may alam na pupunta ako ng Tagaytay bukod sa barkada. Ay oo nga pala! Tumingin ako sa orasan ko sa phone. 5:30 a.m. Walang text o tawag. Hay! Ibig lang sabihin niyan, hindi pa gising ang mga super awesome parents ko. Siguradong pag nalaman nila to, magpapatawag nanaman ng presscon yung mga yun. Artista kasi sila. At jusko po, sana walang makakita sakin kung ganon man ang mangyari.

*bbzztt*

From: jerald

Hoy gago! Ingat ka diyan! Gwapo ka pa naman, baka ma-rape ka. Labyu pre! <3 xoxo

/

Muntik na akong masuka sa sinend ni Jerald. Buti nalang talaga kaibigan ko to.

To: jerald

Hoy ka din, gago! Tigil-tigilan mo ko sa kaka labyu mo diyan. Pakisabi nalang sa barkada bigyan ako ng pagkain pag uwi ko. Lamyu

/

Wala pang limang minuto, nagreply uli siya.

From: jerald

Lamyu? Pwe ./. Gago ka talaga. Pasalamat ka sa mga libro ka lang adik. Gwapo ka parin naman kahit nerd ka. Matutulog pa ko. Magtetext sayo yung mga gago mamaya.

/

Napailing naman ako habang nakangiti.

To: jerald

Kelan ka pa nagka- care? Don't me bruh. Salamat sa effort sa pag gising ng maaga para lang matext ako. pag uwi ko liligawan kita yak. joke asa pwe. Matulog ka na, wag ka nang magising gago.

/

Ang sweet naming magbabarkada no? yak. Ganyan lang talaga kami, masanay na kayo. At kung akala niyo bakla ako, nagkakamali kayo. Mukha bang bakla ang isang Lance Suarez sainyo? Jusko kelangan niyo nang magpatingin sa albularyo.

From: jerald

./.

Hanapin mo pake ko sa Tagaytay

/

Di ko nalang siya nireplyan. Napatawa nalang ako dito sa upuan. Gago talaga yun. Buti nalang wala pang nakaupo sa tabi ko. Naramdaman ko naman yung tawag ng tiyan ko kaya lumabas ako para bumili sa 7-11 na katabi lang ng terminal. May limang minuto pa naman. Nang makapasok ako, kumuha ako ng Slurpee, Gatorade at tatlong Mr.Chips sabay takbo pabalik ng bus. Napaisip naman ako sa mga binili ko. Awesome.

Pagbalik ko sa bus, nagulat ako nang may makita akong nakaupo sa tabi ng upuan ko. Babae siya. Pero di ko nga lang makita yung itsura kasi nakatingin siya sa mapa at journal na nakapatong sa hita niya. May hawak din siyang ballpen at phone . Naka google maps din yung phone niya. Ayos.

"Excuse me miss." Sabi ko kasi nakaharang siya. Sa tabi kasi ako ng bintana nakaupo. Asa naman siyang makakapasok ako ng naka ganun siya. Napatingin siya sakin sabay taas ng kilay. Mukha namang nagets niya kaya umurong siya ng konti kaya nakadaan ako at nakaupo ng maayos. Napatingin ako sakanya ng saglit. Ang ganda niya, seryoso. Okey. Napatingin uli ako sa phone ko. Dalawang minuto nalang, pupunta na ako sa

lugar kung saan madaming chix---ay este kung saan ko sisimulan yung Paper Towns chronicles ko.

Nagsimula nang umandar yung bus. Nasimula na rin akong lumamon. Kaso naalala kong may katabi pala ako. Ang tahimik niya kasi, masyadong focused sa ginagawa niya. Hindi kaya siya nahihilo?

"Gusto mo?" tanong ko sabay abot ng Mr.Chips ko, kaso umiling siya sabay sabi ng "I'm fine. Thanks" ng hindi manlang tumitingin. Di ko nalang siya ginulo at baka masapak ako. Tinago ko na yung pagkain ko sabay labas ng Paper Towns. Binasa ko uli yung chapter 18. Nagsimula na din akong magsulat ng mga plano sa gilid nung page.

"Paper Towns, huh?" Rinig kong tanong niya. Tumingin ako sakanya at tumango. "Bakit?" Tanong ko din. Mas maganda pala siya pag malapitan. "I'm Nike" Sagot niya. Ah, pangalan niya yon? Gusto ko tuloy tumawa sa narinig ko. Seryoso siya? Nike? HAHA! "Lance" Sabi ko din at bumalik sa pagsulat ng notes. "Nerd" Rinig ko namang bulong niya sabay tawa ng mahina. Ay shet. Napatigil tuloy ako sa pag sulat at humarap sakanya. Hindi ako nerd, gwapo ako. Nako naman. "Correction miss company ng mga sportswear, hind ako nerd, booklover lang talaga ako. At hindi ako nerd, gwapo ako." Sagot ko sabay smirk. Pero sa kaloob-looban ko, halos matawa-tawa na ako sa tinawag ko sakanya. Kaya naman umirap siya sabay harap sakin.

"Making fun of my name huh, Mr. Nerd. If so, don't call me Nike. Just call me Margo."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call Her MargoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon