Unsleeping Beauty

3 0 0
                                    

A beauty who doesn't need sleep. A beauty that can capture every man's feeling. A beauty that can destroy all humankind, even feelings.

I am the one who created Jade, and I am the one who destroyed Jade at the very end.

---

Memory Complete

"Jade, can you hear me?" Sabi ni Arthur habang nakatingin sa kanyang robot na ginawa.

Masayang masaya si Arthur dahil in sa loob ng tatlong taon na paghihirap sa pagkompleto ng mga piyesa nito ay nakompleto na niya sa wakas. Pwede na niyang ipakita sa buong mundo ang kanyang nilikha.

Biglang bumukas ang mga mata ni Jade and tumango ito sa kanyang creator.

"You can speak." Tanong ni Arthur.

"Yes, I can creator." Gustong umiyak ni Arthur dahil sa kaligayahan na nararamdaman nito.

Kompleto na sa wakas.

Ginawa niya ito mula sa pagmamahal. Kung makikita mo lamang ito ay parang tunay na tao!

Mula sa mukha, malalambot na labi, at kasing itim natin ang kulay ng mga nito, ang kanyang balat at mga parte ng katawan! Kasing perpekto ng isang dalagang maganda at inosente.

Hindi ito natutulog dahil Hindi na nito kailangan.

"Why are you staring at me, creator?" Napatigil sa katititig si Arthur dahil sa sinabi ni Jade. Hindi siya sanay na tinatawag siyang creator.

"Your name is Jade, I am your creator. You follow my orders, and also don't call me creator, you can call me Arthur." Sabi ni Arthur sa kanya.

Makalipas ng araw na yun ay pinakita na ni Arthur sa buong mundo ang kanyang panibagong imbensiyon, kung dati ay konti lang ang natatanggap niyang mga awards and fame, ngayon ay mas dumoble na.

Natatanggap rin siya ng mga tickets at kontrata papuntang America, China, Japan, at Korea upang mas palawakin ang kanyang.

Kinuha niya ito at sinama niya ang kanyang masterpiece, mahigit dalagang taon na silang nagaaral sa mga sinabing lugar at mukhang naimprove nga ang talento ni Arthur kaya bumalik sa sila sa pilipinas.

Nagawa niyang gawin photographic memory ang isip ni Jade, magaling ito sa pag compute ng mga bagay bagay nakakapagisip na ito beyond human minds, mababasa niya kung anong iniisip natin at nalalaman niya kung kailangan natin ng tulong or may mali sa ating ginagawa at madami pang ibang piyesa nito na naupgrade.

Pero isa lang ang hindi na perpekto ni Arthur, Hindi ito nakakaramdam, wala itong feelings. No emotions attach.

"You're disappointed Arthur." Nabigla ang binata dahil sa pagsalita ni Jade.

Nandito sila ngayon sa rooftop ng isang building at nagpapahinga dahil galing sila sa isang press conference na ginawa sa malacañang upang batiin siya dahil sa kanyang pagbabalik.

Hindi nagsalita si Arthur, alam ni Jade na nanghihinayang ang binata dahil hindi ito nakukompleto ang kanyang ginagawa. Gusto man niyang tumulong kaya lang wala siyang alam kung paano.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon