Kriiiing! Kriiiing! Kriiiing!
Alarm clock. 6:00 na. Ang bilis ng araw at Grade 11 na ako ngayon.
Bumaba ako ng kwarto ko at kumain kaagad.
"Maaga gising ha anak? Excited ka?" tanong ni yaya Sabel
"Ahhhh. Opo yaya! Sobra!"
"Halata nga anak" sabi niya sabay abot ng bacon at sinangag
Kumain na ako at pagkatapos ay naligo kaagad.
Humarap ako sa salamin. Isinuot ko yung white shirt ko, at jumper.
Nag-pulbo lang ako at kinulot ng kunti ang buhok ko.Nagsapatos lang ako at isinuot yung white converse na regalo sa akin ni Jelo.
Ngumiti ako sa salamin bago bumaba. Litaw na litaw yung braces ko sa sobrang lawak ng ngiti ko.
Wala akong driver kasi yung ferrari ginagamit ko pagpasok sa school.
15-20mins ang layo ng HOLY SPIRIT ACADEMY sa bahay.
So nang makarating ako doon,
nag-park kaagad ako at dumeretso sa Admin building.Pagdaan ko sa hallway, lahat sila binabati ako ng "goodmorning Ms. President"
Ngumingiti lang ako sa kanila.
Tinignan ko na yung listahan kung anong section ako kabilang.Walang nagbago. Section A padin ako. Salamat naman!
"Who are we?" "We are girl friends!" paulit ulit kong naririnig sa likuran ko
Natatawa na lang ako kasi kabisado ko naman kung sino sila
"Good morning Madam Baby! Ang ganda ng Morning! Kasing ganda mo!" sabi ni Marlon
"Ehemm! Kasing ganda natin" patawang sabi ni Chelsea
"Pakkkk! Ganern!" Sabay naming sinabi ni Maureen
Hayyyy! Sila lang naman ang kaibigan kong sabog na sabog.
"Oh ano na? Gora na sa classroom. Di tayo pwedeng ma-late!" sabay hila sa amin ni Marlon
Pumasok na kaming classroom.
Wala kayang bagong student?
I ask myself."Good morning students!"
Nandito na pala adviser namin...
"Good morning ma'am!"
"Okay class. It is so nice to see your beautiful and handsome faces again"
Naghiyawan kaming lahat.
Napansin ko naman yung lalaki sa tabi ni ma'am. Parang familiar siya sakin. Hindi ko lang matandaan.
Parang sa TV o ewan. Basta hindi naman sitmya artista.
Actually, gwapo siya. Matangos ang ilong. Maputi. Matangkad. Parang Basketball player. Feeling ko may ABS din siya e. Halata kasi sa White Vneck shirt na suot niya.
"Class, bago tayo magsimula, may gusto akong ipakilala. Ang bago niyong ka-klase""He is none other than, Mr. Zachary Valdez. Anak ng ating Presidenteng si Mr. William Valdez"
Naghiyawan na naman ulit sila. Pati mga sabog kong kaibigan. Marami sa kanila kinikilig at nagpapa-impress. Yung mga boys naman, may naiinggit yata o gustong makipag-kaibigan.
"Zach, please introduce yourself"
"Ahmmm. Good morning my fellow new classmates. Like our teacher have said, my name is Zachary Valdez. I'm 16. I'm a bit naughty and stupid student. Sorry for that. Well, in sports, I play basketball and volleyball"
sabi na eh.. basketball player. kaya rin pala siya familiar. nakita ko siya sa tv nung declaration of the philippine president.
"You can call me Zach, by the way. So, thats all for now. May I have now my seat ma'am?"
"Oh yes Mr. Valdez, sit beside Ms. Aragon" sabay turo sakin
"Ma'am ako?" nagugulat na tanong ko
"Yes Ms. Aragon. Is there any problem?"
"Nothing ma'am." sabi ko
"Hi Ms. Aragon. Nice to meet you"
sabi sakin ni Zach"Nice to meet you too" nginitian ko siya
"You can introduce yourself Sophia" sabi ni ma'am
"Ohhh. Ahmm... Im Sophia Rya Aragon. I'm the newly elect SGO President. Thank you for choosing HSA for your education. Its a great honor to have the Prrsident's son studying here" grabe kinabahan ako don.
Ngumiti na lang siya at sabay kaming umupo..
"Pst. Sophia! Bagay kayo" mahinang sabi ni Marlon
"Shut up." sabi ko
Tapos na naman yung half day..
Lunch break na.Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko si Zach marami na kaagad friends. Well, di na yun bago. Anak naman kasi siya ng presidente..
Nag-drive na ako pauwi..