Chapter 3

4 0 0
                                    

"Ayan! Sabi ko na sayo Ly eh! Matatraffic tayo ng bongga dito!" -Anj

"Putang ina kase ni Pnoy. Badtrip leche!" -Ako

"HAHAHAHA!! Pakyu ka talaga Ly! Init ng dugo mo kay Pnoy hahaha! Kwentuhan mo nalang ako dali!" -Anj

"Tungkol saan nananananananaman?" -Ako

"Kanino pa ba? Kay Baron. DALI NA! LAST NA!" -Anj

"Anak ka talaga ni Tita Beth Angelica. Fine ito na..........
I met Baron 3 years ago. Sa Manila. Alam mo naman na hindi ako taga dito diba? Friend kasi sya ng cousin ko kaya kapag may session kami, palagi sya kasama, nung una ayoko talaga sa kanya. Kase intimidating eh. Pero uti-uti nasanay ako sa kanya. Kay William nya nga hiningi number ko eh. Hayop yon eh. And then, after 6 months. Niligawan nya na ako. 4 months after sinagot ko na sya. Kaya lang.......... Nagka problem, kase nakapasa ako ng San Beda pero sya, gusto ng parents nya, dito sa Lyceum sya mag-aral. Entrep course nya. Eh ako naman si tanga nabulag sa pagmamahal sinundan ko sya. Sobrang saya pa namin nung una. Pero months passed naging cold sya, hanggang sa nahuli ko sya na may iba na. 3 beses nangyare yon. Ang martir ko diba? HAHAHAHA binabalikan ko pa din sya. Mahal ko eh, pag mahal mo babalikan mo, pagkakatiwalaan mo. Pero kase tong puso ko (sabay turo sa dibdib ko) pagod na eh. Kaya tumigil nako. Hanggang ngayon. Masakit pa din. Sobra. Hays... Pero ayoko na kase eh. Kung pwede lang makalimutan ko na lahat. NOW NA! Ginawa ko na. Pero tatlong taon na anj. Tang ina! 3 taon na masakit pa din" -ako

Hindi ko naman napansin na umiiyak na ako at malapit na pala kami sa SM.

"Hailey, hays, you're okay. Ttulungan ka namin nila Nicole. Ano pat magkakapatid tayo sa ibang nanay diba!" Sabi ni Anj habang pinapakalma ako.

Hindi ko kase napansin na umiiyak nako hahahaha. Ikaw ba gabi gabi ka umiiyak, diba mamamanhid na lang yang pisngi mo? Haha

After 1 hour nakarating na kami dito sa sm. Nandito na kami sa may starbucks pero wala pa din sila.

"Anj stay here, tatawagan ko lang sila." -Ako

Pa dial palang ako ng magulat ako ng may bumatok sakin.

"ARAY! Putaktakte ano ba! Close ba tayo makabatok ka ah!" Pag harap ko naman nagulat ako kase sila nicole pala yon.

"Ly sorry! Nagtago kase kami! Nakita namin si Baron, kasama si Vash, Andrei pati si Patrick. Tinaguan lang namin" -Hannah.

"ANO! Puta! Seryoso ba yan! Tara kay Anj nag aantay yon sa may SB! Anak naman sya talaga ng mga magulang nya oh! Sa dinami dami ng mall dito pa talaga! Bwiset eh" -Ako.

"Tara bes hanap nalang tayo ng resto." -Pei

"Tara, after nito mag sine nalang tayo para wala na chance na magtagpo pa tong si Hailey at si Baron" -Anj

"SIGE! Omg nood tayong The Pre-nup" -Hannah

Oo lang ako ng oo hanggang sa makakain kami. Nung nalaman ko na nasa isang building lang kami ng ex ko. Di ko alam, umurong ata yung gutom ko, ang likot lang ng mga mata ko. Hinaha..... HEP hindi pwede wag ang gaga Hailey. Mga 7 na din ng gabi natapos yung pinanood namin at mga 9:00 na kami nakauwi sa dorm hindi na sumabay sakin si Anj dahil napansin nya na kailangan ko ng oras mag-isa, pagka pasok ko palang sa kanila ay nag good night nako dahil nararamdaman ko na namumuo na ang mga luha ko.

"Good night Hailey, kaya mo yan. Alam ko first love never dies pero trust me okay? You'll be okay." -Nicole

Umoo nalang ako at bumeso sa kanilang lahat.

"Good night Baks!" -Pei, Hannah, Anj

Pagkapasok ko sa kwarto ko at nag bihis na ako at humiga at iniyak lahat ng luha na gustong tumulo sa mga mata ko.

"Hays Baron, bakit ganito. Please, STAY with me" sabi ko habang humahagulgol ako sa pag-iyak.

Uti uti ko nang sinara ang mata ko at natulog.

StayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin