Chapter 11

21 0 0
                                    

Infairness maganda talaga ung village. Sobrang linis, as in siguro ni isang plastic wrapper eh wala kang makikita sa daan. Talagang parang araw-araw winawalisan alam nio un?

Un nga lang, halos walang tao. Ay wait, hindi pala halos, wala talagang tao sa paligid! Alam nio ung sa mga zombie films na deserted? Un! Ganun ang peg ng village na 'to. Although may pailan-ilan na mga sasakyan na dumadaan, but still, parang ghost town parin. Where-have-all-the-people-gone ang feel ng village na 'to

But other than that, saludo ako! Malinis, tahimik at it seems na in good mood si sun ngaun! Walang araw pero hindi naman umuulan. Alam nio un? Basta un na un!

May park naman ako na nadaanan. Malaki ung park, bermuda grass na halatang alagang-alaga kase sobrang flat at green nia, nakakahiya naman apakan

Sa may bandang gitna eh nandun naman ung mga swing, see saw, monkey bars at kung ano-ano pang pambatang kachorvahan

Sa gilid naman nun eh wooden bench. Pwede na yang pang-emohan kapag gustong matahahimik kahit saglit lang ng kaluluwa mo. Pero feeling ko naman kahit sang sulok ng lugar neto eh peace of mind sa sobrang tahimik

Napansin ko naman sa peripheral vision ko eh may figure ng isang tao, siguro mga 4 metres apart? Wow na calculate ko un? Sige pagbigyan na ako na genius hahahaha

Ewan ko, medyo weird kase as I see in my peripheral vision, nakatayo lang din sya sa harap ng park. Ano ginagawa neto? Nag sight-seeing din?

Eh kung tingnan ko kaya sya? Wag na nakakahiya baka kung ano pa sabihin at magfeeling pa

Pero curious ako! Matangkad kase ung figure, tska mukhang GWAPO. Oo ganyan katindi ang vision ko, sobrang lakas makadetect ng gwapo kahit peripheral lang

Hindi ba sya aalis dyan? San ba galing yan at hindi ko man lang napansin na napunta yan dyan? HALA! Baka naman?

Ayan! Dyan ako naaberya eh, sa multo-multo na yan eh! Ka-araw araw multo? Ano ba naman!

Pero on second thought, dahil rin sa akalang multo eh nadiscover kame! Hahahaha. May magandang idudulot din pala ang maling akala minsan

Di ko na lang titingnan. Baka magkahiyaan pa! Hahaha. Makaalis na nga

(Logan's POV)

Sexy back. That's all I can see right now. I'm walking behind her and she really has a sexy back. Hour-glass shape body, firm butt-...

What the? I'm checking her out? The hell I am. How can I not be? Likod pa lang kuntento ka na

I felt the vibration of my phone in my pocket and saw the caller's id

Bakit naman tumatawag 'tong gunggong na 'to ngaun? I pressed answer

"What?"

-"Dude, where on Earth are you?"-

"Bakit?"

-"Come back now! Kelly's here, nabuksan na rin ung pinto, she has something important to tell"-

"The hell is it really important? Can't it wait? I have some business to attend to"

-"Fvck you dude! Business to attend to your a$$! Wag mong sabihin na sinusundan mo pa rin yang babaeng nakita mong nagjojogging?"-

"What's it to you?"

-"Dude just-..."- biglang naputol ung sinasabi ni Carlos

-"HOY HENDERSON! COME BACK HERE RIGHT AT THIS MOMENT KUNG HINDI MAKIKITA MO"-

"Whoah, whoah Kelly relax. Fine I'm on my way back" Here we go, persuasive Kelly on the loose

-"Good, madali ka naman pala kausap eh"- 

"Alrig-..."

Toot toot

Binabaan pa ko? That woman! Tumingin ako sa fading figure nung hot chick. I remember her face. And I'm going to see her again.

(Denise's POV)

Sobrang nakakapagod talaga magjogging! Pero okay lang. I feel refreshed! Sarap kase talaga magpapawis. Parang ang gaan sa pakiramdam

Pagkauwi ko naman sa bahay, si Rave wala parin. Wala ung car sa garage eh. Nasaan ang mga madlang people ng bahay na ito?

Pagkadaan ko sa room ni Cielle eh nandun ang baliw, humihilik sa kama nia. Tulo pa laway. Pero syempre joke lang un. Pero meron paring part na totoo un

Sinilip ko naman ung kwarto ni Gale, wala naman sya? Sabi nia matutulog sya, tas sasamahan nia ko magjogging. Silang dalawa actually. Sasamahan daw ako. Pero wala ni isang nagpakita. Ang babait talaga. Asan naman kaya ang isang un?

Pumasok na ko sa kwarto para makapagshower. Ayoko ng ganitong malagkit ang feeling. Hindi naman siguro ako mapapasma. Hot water naman eh!

Pagkaligo at pagkabihis ko eh bumaba naman ako at dumerecho sa kitchen. I saw Gale cooking instant pancit canton. Ganyan tayo eh, asensado hahaha

"Oy ang daya mo sabi mo sasamahan mo ko magjogging!" pakunwaring galit ako sakanya

"Bigla na kase ko tinamad eh. Hehe." nag-peace sign pa. Babaeng 'to

"Woo! Ganyan ka naman eh" kunwari nagtatampo ko. Korni ko FU!

"Hehe. Lutuan na lang kita ng pancit canton. Gusto mo dalawa pa" nagningning aking dalawang mata! Basta pagkain talaga oh

"Eh san mo naman nabili yan? For sure wala namang sari-sari store dito?" kunwari ayaw ko pa. Kaartehan ko nga naman oh

"Wala nga. Dala ko bakit ba?" nanlaki mata ko

"Ganyan ka talaga ka-die hard sa instant pancit canton? Pati yan hindi mo pinatakas sa maleta mo?" grabe talaga 'tong si Gale, hindi mabubuhay ng walang pancit canton!

"Ang daming sinasabe. Gusto mo ba oh hindi?" tanong nia sakin

"Osige pinapatawad na kita! Dalawang pancit canton ha?" sabi ko ng nagnining-ning ang mga mata. Natawa naman sya at ginawa na lang. Kaya mahal ko 'to eh

Langya ang takaw ko naman. Bukas pa naman ung first day namen!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tale of a SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon