Lambana (Chapter 1)

673 5 0
                                    

“Mommy!!” Malakas na ikinatok ng dalagang si Kath ang kanyang pagkaganda-gandang kamay sa pintuan, ang mama niya, President ng isang kumpanya. “O, anak, mukhang,” nilakihan ni President Rita ang kanyang kamay sabay tingin sa kanyang anak “Aba anak, mukhang napakasaya mo ngayon anak” sabay tingin sa kanyang bagong palinis na kuko. “Opo mommy, kasi may pasalubong ako sa inyo!” sabay taas sa kanyang dalawang kamay. “Aba, ano ‘yan anak, matutuwa na naman ba ko diyan sa pasalubong mo?”. “Aba siyempre mom,” sabay abot ang isang maputing makapal na papel sa kanyang mommy, o sa ibang salita ang card.

Lumaki ulit ang kayumangging mata ni President Rita at inisa-isang tinignan ang mga nakasulat na numero sa card ni Kath.

“Biology- 98”

“MAPEH- 97”

“Science- 95”

“Math- 94”

“ICT- 95”

“ESP- 98”

“Basic Statistics- 95”

“Filipino- 98”

“English- 96”

            Nagbuntong hininga si President Rita “Anak?? Sanay na ako sa regalo mo! Pero masaya parin ako para sa’yo,” sabi ni President Rita na may naka ngiting bunganga at niyakap ang kanyang anak. “Mommy ang cute-cute niyo talaga! Mommy, may pabor po sana ako, tutal  mataas naman mga Grades ko, pwede bang humingi ng pang-fb?”

            Iniba ng Mommy ang ang usapan upang mawala sa isipan ng kanyang anak ang paghingi ng perang pang-fb, “Anak, baka gusto mo akong tulungan muna sa pag-aayos sa bagong bookstore natin?”. “Mom, alam na alam ko yang style niyong ‘yan” nalungkot ang anak. “Mom, sana naman kahit ngayon lang payagan niyo akong makapag-fb? Sige na mom?”. “O sige, basta huwag kang magtatagal huh? Sino bang mga kasama mo?”. “Mom, as usual, sina Julia, Kiray, Miles, at ang naiiba sa aming tatlo, walang iba kundi si, Macky, the Becky!!”. “Huy!, huwag mo namang lakasan!”. “Mommy, di ka naman mabiro, gabi na ohh, asan yung pera ko,” na parang parang binubura ang mga plema sa lalamunan. “Oh, siya, siya, ito na!,” namigay ng Php200.00 ang kanyang mommy. Natulala at nanlaki ang mata ni Kath na namumula, “Mommm!!??!!”. “Oh, bakit na naman?,” gulat na reaksyon ni President Rita.

            “Mommmy, hindi pa kasya ‘to para maka add ako ng 50 na tao!?,”. “Anak, matuto kang magbilang ng mga totoo mong kaibigan, hindi naman paramihan ng friends ang fb, anak eh,” sabi ng mommy na inaakbayan niya.

“Pero mom, Sabi ng friends ko, magdala nalang daw ako ng at least 500 pesos!,” naatat na sagot ni Kath.

“Oh, sige pagbibigyan kita, pero dahil sabado bukas ha, tutulungan mo ako ng maghapon sa mga gawaing bahay!,” nanlaking mata ni President Rita.

“Oh sige mom, promise, pero kung tatawagan nila ako, siyempre mom, no choice alis na ako, diba?,” nangungulit na atat na atat na sagot ni Kath.

Inabot ng mom niya ang Php500.00 sa anak niya.

Lumakad na palabas si Kath nang may gumulat sa kanya, isang nakakadiring hayop (para kay Kath). Tumalon ang hayop sa kanyang kamay.

Tumatakbo si Kath na inaalis ang hayop.

Nang biglang nakatapak siya ng balat ng saging at bigla siyang napahiga sa sahig.  

Tumayo siya ulit upang tanggalin ang palaka sa kanyang dibdib na siguro 5 inches nalang ang layo sa kanyang mukha, sumigaw ng sumigaw si Kath.

“Anak?,” gulat na gulat na reaksyon ni President Rita sa nangyayari.

Binugaw ni President Rita ang palaka.

Lambana [KathNiel - Kathryn Bernardo & Daniel Padilla]Where stories live. Discover now