Lambana (Chapter 2)

265 6 0
                                    

Tuloy-tuloy na ang pag-uwi nang mga magka-kaibigan nang biglang napansin ni Kiray na iba yung dinadaanan nila, “Teka guys, uh...manong, parang iba ho ‘tong nadaanan natin?,” sabi ni Kiray.

“Huwag ka ngang maingay, nagsho-shortcut tayo!,” sagot ng driver.

“Ahh...Ang sa pagkakaalam ko po kasi, sa tinagal-tagal na dito kami tumira, walang shortcut papunta sa amin,” sagot naman ni Kath sa kanya.

“Ah...Ngayon malalaman mo na, at isa pa hindi naman po papunta sa inyo ehh,” sagot ng Mama sa kanila sabay tumatawa ng parang demonyo, nakakatakot.

“Ehh...San po tayo papunta?,” sagot naman ni Macky sa Mama.

“Mga tanga talaga kayo! Sa tingin niyo ba may tricycle pa sa ganto kagabi?,” napahinto ng konti ang mama tapos tumawa, “Mga Tanga!, kukunin namin ang mga laman loob niyo! Hindi ba kayo nanonood ng balita?,” at saka tumawa ulit ang mama.

“Kung ganon itigil niyo na ho ito, please lang po,” sabi ni Julia.

“Bakit niyo ‘to ginagawa sa amin wala naman ing kasalanan ha!,” isununod ni Kath kay Julia.

“Aba, sabi nga nila trabaho lang, walang personala,” tumawa ang mama.

At dahil siya ang nasa gilid ng driver, kinuha ni Kath ang salamin na nasa harapan ni Julia at saka sinubukan niyang ipinukpok sa driver pero naunahan niya ito, sinakal niya si Kath pagkatapos ay sinampal ng napakalakas. Naisip ni Kath na bakit sa kanila pa ito nangyari?. Wala naman silang kasalanan, at wala pang nakakasampal sa akin ng ganoon kalakas.

“Hoy! Pinapakain mo ba kami para saktan niyo kami ng ganyan, huh? Walang hiya ka! Wala kang kuwenta sa mundo! Salot ka! Salot ng lipunan!!!!,” galit na galit na sinabi ni Kath.

At dahil sa nasabi ni Kath sa driver, sinapak niya si Kath ng napakalakas.

“Hoy, sumosobra ka na, palagi mong sinasaktan ang kasama namin!,” sinabi ni Kiray sabay sakal sa Driver.

Tumawa lang ng tumawa ang driver, “Kahit anong gawin mo, hinding-hindi ako masasaktan, alam mo kung bakit?,” sabi ng mama at saka sinaktan ang dibdib ni Kiray

“Best, Miles, tumawag kayo ng pulis o kahit sinong makakatulong sa atin,” sabi ni Kath.

“Hoy, huwag niyong gawin, dahil kung hindi, matatamaan kayong lahat sa akin, isa pa malapit na tayo!!,” sabi ng mama tapos tumawa.

“Bilis!,” sabi ni Kath.

“Si Khalil nalang,” sabi ni Macky.

“Huwag,” sabi ni Kath.

“Bakit, Sis?,” sumbat ni Macky sa kaibigan.

“Tumahimik!,” sabi ng driver.

“Madadamay lang siya, pulis nalang!,” sabi ni Kath.

“No, best, makakatulong siya, isa pa na contact na namin siya at siya nalang daw ang tatawag ng pulis. At may kasama rin daw siya,” sagot naman ni Julia.

“Ano ba?, sige na nga,” sagot nalang ni Kath na awang-awa sa sarili at sa mga kaibigan.

Maya-maya’y dumating na sila sa lugar kung saan nangyayari ang magkuha nila ng mga laman loob ng tao na ibinebenta.

May mga sumasalubong sila na mga lalake, malalaki ang katawan, may mga patalim at may mga baril. Tinulungan nila ang driver na buhatin ang magkakaibigan.

Yung nakahawak kay Kath, maputi, blonde yung hair (pero parang artificial), malaki ang katawan, naka jeans, naka-polo, at isa pa, blue yung mata, kaya pano ba naman na hindi mapupunta sa isipan ni Kath na naka-contact lense yun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lambana [KathNiel - Kathryn Bernardo & Daniel Padilla]Where stories live. Discover now