Who's that Girl (Jester Moment)

51 2 1
                                    

Prologue :

            Meet Reymart, isang guy na nainlove sa isang Girl na hindi nya kilala. ilang beses syang nagkaroon ng pakakakataong kilalanin ito ngunit hindi nya nagawa. Alamin kung bakit at kung paano  sya nagkaroon ng lakas ng loob na pagtagumpayan ang lahat ng mga pagsubok na kinakailangan nyang harapin...

Cast:

         Paolo Avelino As Reymart

         Cristine Reyes As Shana

         Neil Coleta As Caloy

Guys, Wish you enjoy the story.........

Hi po! Ako si Reymart, gwapo, maputi at matangkad. Di ko akalain na maiinlove ako sa isang babaing di kanais nais ang itsura, madalas nga siyang tuksuhin dahil dun pero kahit ganun, di naging hadlang ang bagay na iyon para iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. At naniniwala rin ako na walang makakahadlang sa Love story naming dalawa.

Sa aming baranggay, lagi akong nilalapitan ng mga babae at kahit ang mga bakla sa kalye madalas rin akong dikitan. Palagi akong sumasali sa mga Contest ng papogian at madalas kundi 1st runner up, nakakakuha ako ng 2nd place. Minsan ay isinali ako ng aking pinsang si Caloy sa isang sagala, ako ang naging escort ng mismong reyna elena. Nag-umpisa ang parada namin ng alas sinko ng hapon at habang umaandar ang parada namin ay may napansin akong isang babaeng nag-iisa at nakayuko sa isang puno. Tinitigan ko lang ang babaing iyon hanggang sa makalampas ako sa kanya.Magmula ng araw na iyon ay hindi na wala sa isip ko ang babaeng iyon, hindi ko alam pero gusto kong makita sya ng paulit ulit. Isang araw, napansin ng aking pinsang si Caloy ang madalas kong pagkatulala.

"Uy insan, bakit parang laging nag-iisa? Parang may mabigat kang problema ha?" Sabi ni Caloy.

"Kasi insan may nagugustuhan na akong babae eh." sagot ko sa kanya.

"Oh..! Talaga? Sino sya?"

"Yun lang ang problema insan eh, di ko pa alam ang pangalan nya tapos hindi ko pa nakikita ang itsura nya."

"Ano? panu kang nainlove sa kanya kahit na di mo pa sya nakikita?"

"Insan nakita ko na sya kaya lang nakayuko kasi sya eh."

Magdamag kaming nagusap ni Caloy tungkol sa babaeng iyon kaya kinabukasan ay maghapon akong nagtututulog. Makalipas ang isang linggo ay pumunta ako ng parke, inassign kasi ako roon ni kapitan upang maglinis para sa community service ng aming baranggay, ng makarating ako doon, nakita kong muli ang babaing sa tingin ko'y mahal ko na. Nag-iisa syang kaupo sa gilid at tulad ng dati ay nakayuko pa rin sya. Naisip kong lapitan sya ta kausapin.

"Ah ako nga pala si Reymart, nadestino kasi ako dito para maglinis." sabi ko.

Wala syang imik noon, ni hindi nga sya tumitingala at kumikilos basta nakaupo lang sya. Nawiwirdohan na ako sa kanya ng mga sandaling iyon.

Who's that Girl (Jester Moment)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon