"Wala ka na talagang pag-asa Red"
"Kaya nga nagaaral eh. Pag lang talaga ako natuto makikita mo"
"I doubt that"
"Lumayas ka na ngaaa!"
Epal netong babaeng to! As you can't see, nag-aaral akong mag make up ng sarili. At eto namang So-Called-BestFriend ko eh imbes na i-encourage ako, dinidiscourage pa lalo!
Naabutan ko kasi syang palabas na ng bahay kaya pinakita ko yung kinalabasan ng pagaaral ko. At ayun, wala na daw talaga akong pag asa. GUSTO KO NG MAGING BABAEE! T.T
HOY! It's not what you think ha. Babae naman talaga ako! What I mean naman kasi, gusto ko matuto magayos ng sarili ko. Yung hindi na kailangan ng parlor. Psh
Btw, Helga Red Santana Diamond is the name! I'm gorgeous and I know it! Break it down! ^_____^ MANIWALA KA! SASAKALIN KITA! XD Dejoke lang. :)
At yun naman si Sofia Katelynn San Agustin. Bestfriend since birth at guardian ko na din. OO tama kayo ng pagkakabasa. GUARDIAN ko sya. Pinagkatiwala ako ng mga magulang ko sakanya.
Nakatira kami sa isang apartment sa may Ubelt area dito sa manila. Nasa ibang bansa mga magulang namin at ayoko na magkwento pa.
Katulad ng umpisa ng ibang stories, first day of classes today. And obviously hindi kami pumasok dahil tinatamad ako.
Syempre to the rescue naman si bestfriend kaya ayun, di na din pumasok. Papuntang grocery yun.
Hayaan na natin.
YES! Mukang okay na to! HOHO! :D
Sa ilang daang beses ko na pagpipintura sa mukha ko sigurado na ko dito! Aja! \m/
May pagkadark ang pintura ko sa mukha kaya nagsuot ako ng pangbar na damit para bagayan. And voila! Ang ganda ko! Hahaha! :)
Sakto namang pagbaba ko ang pagpasok ni Pia at wait..
May kasunod na FAFABOL! *___*
Dala nya yung ibang grocery bags. Wow gentleman. I like it! Grrr.
"Eherm" pagkuha ko ng atensyon nila at napalingon naman sila parehas
"OH MY GOD! MADAYA KA NAGPAPARLOR KA!" dinuro ako ni Pia na nanlalaki pa ang mata. HAHAHA! Well, practice makes perfect nga naman.
Hindi ko sya pinansin at dumiretso sa gwapong kasama nya "Hi there" at mula sa panlalaki ng mata, ngumiti sya, binaba ang bags at nilahad ang kanang kamay "I'm Ian"
Nihead to toe ko sya at ang masasabi ko lang "Nevermind" sabay irap at baling kay Pia na nanlalaki pa din ang mata.
"I did not cheat you bitch!" sabi ko sa kanya at ginalugad ang dala nyang grocery.
"Uy Ian thank you ha. Dito ka na maglunch" pakiusap nya kay Ian daw. Whatevs
"Magorder ka na lang Piaya!" ang ganda ko talaga huhuhu
"Ah.. eh.." nagdadalawang isip pa tong mokong na to aba
"Ano? Ayaw mo pa? Dalawang maganda ang makakasama mo sa lunch tatanggi ka pa?" taas kilay kong tanong sa kanya
"Ah sige na nga"
"Psh babaero"
"RED! NARINIG KO YUN HA!"

BINABASA MO ANG
Ang Kwento ni Masama
Novela JuvenilPinaglihi kay HudasBarabasHestas. Eto ang kwento ni Helga Red Santana Diamond. Pangalan palang dark na. May makatapat pa kaya sa Bida-Kontrabida?