Chapter 2:[THE FIRST SEMESTER OF JUNIOR]

12 0 0
                                    

Pagpasok ko sa gate ng school, andun na yung mga friends ko papalapit sakin. Sina Louisiana Santos at Megan Mariano. Marami pa akong mga friends pero sila lang talaga ang special,bestfriends kung baga.

“ba’t late ka ng 5 minutes?”sigaw sakin ni Megan with her joking mad tone.

“eto naman, 5 minutes lang , pinagdadamot pa!” joke ko naman sabay tawa naming lahat.

Naglakad na kami papuntang room. Assigned kami sa first sched na Chemistry subject so sa science lab  na kami dumeretso.

Kainis naman, classmate ko sa science subject itong boyfriend ko. Hinila niya ko kaagad pagpasok ko pa lang.

“oy, ano ka ba?” sabi ko, habang inaalis yong kamay niya sa braso ko.

“ikaw naman. Ayoko lang namang maagaw ka pa ng transfereeng yun eh” sabi niya habang iaakbayan ako pagkaupo ko. Tinignan ko ang transferee na sinasabi niya. Eh yung boyfriend naman yun ni Ninita Guttierez eh.

“ hay naku. Bf naman yun ng classmate ko last year, siguradong nagtransfer siya dito para makasama si ninita.” Sabi ko.

“ ah ganun ba? Kahit na! may word ngang break up diba?” sabi niya.

“kapal nito! I-break kaya kita?” joke ko

“huwag naman. Ikaw lang ang buhay ko, mawawala ka pa?” sabi niya.

Tsk. Corny!

“epal!” sabi ko sabay sapok sa kanya.

Sakto naman ang pasok ng teacher naming kaya nagtigil na kami.

How?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon