May gusto siya sakin.
May gusto rin naman ako sa kanya.
Una ko siyang nakita noong 11 or 12 years old ako.
Sinama ako noon ni Papa sa Gig niya, para raw kapag nasa hustong edad na raw ako sanay na ko kumanta sa harap ng maraming tao.
Yes, singer ang tatay ko.
Solo performer siya.
At balak kong sumunod sa yapak niya.
Taun-taon kaming pumupunta sa Christmas party ng company ng Boss niya para mag-perform.
Kaya naman taun-taon ko din siyang nakikita.
Tuwing December 23 o kaya naman 24 ginaganap ang Christmas party nila.
Noong pangalawa ata o pangatlong beses namin pumunta roon para kumanta at pauwi na kami ni Papa, narinig ko mismo yung pinag uusapan nila.
May gusto raw sakin yung anak ng Boss ni Papa.
At heto namang si Papa nirereto siya sakin.
Noong una umaayaw ako at binabalewala nalang yung mga sinasabi nila tungkol samin.
Hanggang sa nag-14 ako.
Ewan ko ba pero parang hinahanap ko na siya at lagi ko siyang iniisip.
Kapag nanonood siya sakin di ako makatingin sa kanya pero kapag hindi na siya nakatingin saka naman ako titingin sa kanya.
Ang gulo! Haiisst! -_-Nakaupo na ko noon at nag kukwentuhan sila papa at yung Boss niya.
Narinig kong kami na naman yung pinag-uusapan nila."Ano? Pwede na ba?"-Boss ni Papa.
"Haha! Masyado pang bata Boss eh, kapag 18 na. 4 years na lang naman eh."-Papa.
At tumingin sila sakin.
Kaya naman ngumiti na lang ako at napailing.
Dumating naman yung Ate niya.
Wala siya noon that time kaya biniro ako ng Ate niya."Nasan ba si Jan-jan? Andon yata sa loob ng bahay eh."-Ate niya.
"Hala?"-Ako
"Haha!"-Ate niya.
Nako mukang pati ate niya nirereto siya sakin.
Para naman makita ko siya ang gagawin ko, kunwari mag-ccr ako.
Kaya kahit sandali lang nakakasama ko siya.
Siya kasi yung pinapasama sakin para ituro sakin yung daan papunta sa cr.
And Oops! Di ko siya kasama sa loob ng cr ah!!
Nagpasama lang papunta doon!
Kayo talaga!At syempre di mawawala ang time na kailangan na naming umuwi.
Kaya naman nakakalungkot.
Kasi maghihintay na naman ako ng 1 year to see him again.
1 year na pag-iisip at pagpapantasya sa kanya.
Siguro ganoon talaga ang buhay.
Kailangan mong maghintay para maabot mo yung inaasam mo.
Kaya ang magagawa ko na lang ay ang maghintay hanggang sa dumating ang tamang panahon dahil naniniwala ako na siya ang lalaking nakatadhana sakin.>>>>>The End<<<<<
AN: Sorry kung pangit yung dating sa inyo ng story. Sorry po talaga. :(
BINABASA MO ANG
Waiting (One Shot) @gelai_sachiko
Non-FictionA girl that's still waiting. Because she believe that she met her DESTINY. @gelai_sachiko