"Ms. Linsey, can you solve that problem in the blackboard?" Taas kilay na utos sakin ni Ms. Fabro.
"Miss? Seryoso?" Hindi ko makapaniwalang tanong dahil hindi niya pa kaya natuturo 'yon!
"Yes, Ms. Linsey. I am serious," Seryoso niyang sagot. Ang sungit talaga! Palibhasa tandang dalaga.
Tumayo ako at kinuha ang chalk, paano ba 'to? Puro triangle, puro x at y. Wala akong maintindihan! Hindi naman sa hate ko ang math pero —
"You can't solve the problem if you're just going to stare at it." Mataray na sabi ni Ms. Fabro.
Humarap ako kay miss at nagkamot ng batok, "Miss, hindi ko po alam yung sagot eh."
"Tsk! Tsk! Tsk! That's what you got when you are not listening in my class!" Lumapit siya sakin at kinuha ang chalk na hawak ko.
"He-he. Sorry, miss." Paghingi ko ng paumanhin kay miss, kahit hindi ako sincere.
"Hmm, love life?" Nagulat ako sa tanong ni miss. Ha?
"Ano po?" Tanong ko, dahil hindi ko siya maintindihan.
"Class dismissed. Ms. Linsey, stay." Uhm, ang weird ni miss. Umupo muna ako sa upuan ko habang pinapanuod ang mga kaklase kong umuuwi na.
"Huy, cloud! Lagot ka nanaman kay miss!" Kantyaw sakin ng isang kong kabarkada na si Mav.
"Ewan ka sa'yo!" Inirapan ko siya at tumawa naman siya bago siya tuluyang lumabas.
"So, Ms. Linsey. What is your problem?" Umupo sa harap ko si Ms. Fabro.
"Miss, wala naman po eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo.
"No, hindi pwedeng wala kang dahilan para mawala ang atensyon mo sa lesson natin kanina." Aniya. Kulit naman ni miss eh!
"Miss, kasi yung ano..." Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba kay miss, nakakahiya kasi.
"It's okay," Pangungumbinsi niya saakin.
"Ayaw po kasi ako payagan nila mommy na mag trabaho habang nag-aaral." Nakayuko kong sabi.
"Trabaho? You don't have to work, Ms. Linsey. Ang yaman ng pamilya ninyo." Sabi ni miss. Hindi sa mayabang pero totoo 'yun. Marami kaming kumpanya, at ang isa doon ay nasa Top 10 na pinakamalago sa Asia.
"Pero miss, iyon yung gusto ko. I want to have my own money." Sabi ko kay miss. Ngumiti si miss sa akin at tinap ang balikat ko.
"Wow, you are one of a kind Ms. Linsey." Pagpupuri sa akin ni Ms. Fabro.
"Thank you po, Ms. Fabro. Sana maintindihan din po ako nila mommy." Ani ko.
"In the right time, Ms. Linsey. You're such a good kid, I know they will." Lumakas ang loob ko sa sinabi ni Ms. Fabro. At umasa ako lalo na payagan ako nila mommy pero iba ang kinalabasan.
///////
"Cloud, stop talking nonsense!" Sigaw ni mommy sakin.

BINABASA MO ANG
Bachelor's Queen
Teen FictionMeet Cloud Bzaine G. Linsey, 19 years old, Anak ng isa sa mga pinaka ma-impluwensyang business man sa Asia. But she wants to live normal, experience those hardwork, be a normal teenager - can she take the consequences? Consequences.... Including...