When I was in Grade 7 or First year
Wala pa akong kakilala kasi First day of School palang
Ang daming pumasok ngayon dito sa School kasi gusto nila malaman section nila
Tignan mo...
5:00 in the morning punong - puno na ng tao itong school
By the way section SSC pala ako..
that means Special Science Class
Worst part
Special Science Class B !!!
Pero not bad okay na yun.
Sana nga walang bully at maarte akong magiging kaklase
Habang naglalakad ako para pumunta sa room ko..
Sana hindi ako maligaw .. xD hahaha
" Miss Beautiful, anong section niyo po ??" tinanong ako ng hindi ko kakilala
" Bakit po, sino po ba kayo ?? " sinabi ko sa kanya kasi hindi ko naman talaga siya kilala eh
" Ako po pala si Justine, isa po akong Vice President ng Supreme Student Government dito sa ating campus " sabi niya sakin
Nakipag shake hands pa siya sa akin nung nagpakilala siya. Shinakehand ko din naman siya pabalik
" Wow ang galing niyo naman po pala, ako naman po pala si Joyce, Joce Delos Santos" Sabi ko sa kanya kasi naman grabe Vice President ..
Sino kaya President dito ??
" It is our duty po kasi na matulungan ang mga New Student dito sa Campus na matulungan kung sakali na maligaw sila o kayo po "
" Ah.. Section SSC - B po ako "
" Ahh... matalino po pala kayo hahaha. tara dito po room niyo "
Sinamahan niya ako papunta sa room namin
Nagpasalamat ako sa kanya at nagpasalamat din naman siya
ay mali nag welcome pala xD ^__^
Grabe ang unti pala namin
mga 37 ata
=0 Dumating si mam 0=
Nung dumating si mam ay nag upuan lahat sila
Muka ngang mag kakakilala na sila eh
MUKA lang naman
" Ok class I am Sir Christian, I am your Adviser for this year " sabi ni sir sa amin
Grabe ang pogi niya
" You may introduce yourseslf in front, let's start from you, Ms... ?? "
Grabe tinuro niya pa ako, malas pala pag nakaupo dito sa gilid.
" Sir, Ms. Delos Santos po "
" okay ms. delos Santos Introduce Yourself "
Grabe nanginginig tuhod ko kasi naman ako unang una tinawag ni sir
ako pa naman ung walang kakilala dito
" He- Hello everyone, Ma - My name is Joyce Delos Santos, Ba - but you can call me Joyce. I am 13 Years old "
Ayun pagkatapos nun
Grabe mukang mahihimatay na ko
Pagkatapos na naming lahat mag introduce, ay biglang dumating si Justine, ang Vice President ng Supreme Student Government
" Hi Sir, Excuse lang po, May aannounce lang po ako "
" Cge "
" Ahh.. hello po sa inyo Section SSC - B. Ako nga pala ang Vice President ng SSG dito sa ating Campus. Ang gusto ko lang ipaalam sa inyo na bukas ay magkakaroon tayo ng Orientation na tinatawag na Freshmen Orientation. Magsisimula ang Orientation ng 7 ng umaga, Yun lang naman, Thank You po Sir "
" Cge lang "
" Grabe no Kakapasok niyo pa lang lahat may Program na kaagad "
Sabi ni Sir sa amin at lahat kami ay tumawa
Nagtatagalog naman pala si sir eh bakit pa kasi nag i english english.
Sinulat ni Sir ang Schedule sa Board
at pati narin ang mga Subject Teachers namin.
=0 Matapos ang klase 0=
Umuwi na ako at kiniss si mama
" Oh anak kamusta ang First day of School mo "
"Okay lang po ma "
" Oh sige kain ka na, bilisan mo "
" Ma nagmamadali ? "
" oo bilisan mo kasi pupunta tayong SM "
" ahh. Cge ma wait lang Kunin ko na din yung mga bibilin ko para sa school "
" Cge lang bilisan mo anak ha. "
" opo ma "
Nagbihis na ko at Kumain kasi Excited na ako
Grabe parang First time lang pupunta ng SM eh
Pagkatapos ko kumain ay umalis na kami ni mama at pumunta sa SM
To be Continued...
