His POV
"I love you."
Mahina kong bulong habang nakatitig sa mga mata niya.
"I love you."
Muling sabi ko ng hindi siya sumagot.
"I love you."
Ulit kong muli.
"I love you."
Paulit-ulit kong sinabi iyon, ngunit gaya kanina ay hindi manlang siya nagsalita o nag-react, nanatili lang siyang nakatitig sa akin ng wala manlang kahit na anong ekspresyon sa kanyang mukha.
"I love..."
Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin ng sampalin niya ako ng malakas sa aking mukha. Bumaling pa pakaliwa ang mukha ko dahil sa lakas ng impact nuon napangiti ako ng mapait saka pinigilan ang pagpatak ng luha ko. Mahapdi ang pisngi ko ngunit hindi ko iyon hinawakan saka siya muling tinignan.
"I love you."
Muli kong bigkas saka ngumiti ng matamis. Umiling siya saka tumawa ng malakas.
"You're so stupid! Hanggang kelan ka ba magpapaka-tanga hah?!"
Malakas niya iyong isinigaw sa pagmu-mukha ko. Napangiti ako ng malungkot. Sa sinabing kong mahal ko siya, iyong pagiging tanga ko pa ang isinagot niya sa akin. Mas napangiti pa ako ng malungkot dahil bakas ang matinding galit sa tono ng boses niya.
Ngunit agad ding nawala ang ngiti sa mukha ko saka tumungo saglit para itago ang luha sa mga mata ko saka siya muling tinignan at nginitian ng tipid ng mapigilan ko ang pagpatak nuon. Hanggang kelan nga ba? Gusto ko ding itanong sa sarili ko iyon, kaso.
"Hanggat mahal kita."
Mahina ko iyong sinabi na naging dahilan ng pagsama ng tingin niya sa akin.
"I love you."
Natawa siya sa muli kong pagbigkas ng katagang iyon saka niya ako tinignan ng may pandidiri. Alam kong nagpapakatanga na ako pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako.
"I don't love you and will never be. Yan ang tatandaan mo!"
Madiin niyang sabi saka ako mas lalong sinamaan ng tingin.
"But I love you."
Nakangiti ko iyong sinabi sa kanya kahit ang sakit sakit na.
"Get lost!"
Malakas na naman niya akong sinampal sa aking pisngi. Dahilan ng muling pagbaling ng aking mukha sa kaliwa. Masakit oo, pero wala ng mas sasakit pa sa mga salitang binibitawan niya.
"Wala ba talagang pag-asa?"
Nakayuko kong tanong. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata ko kaya mas pinili kong yumuko.
"Isang chance lang shayne? Isa lang."
Halos pumiyok ko nang sabi saka pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.
"Isa lang talaga shayne, Isang beses lang. Pangako."
Napakagat ako sa labi saka napapikit. Pinanatili ko ding nakayuko ang ulo ko, because I don't want her to see me crying dahil mas masasaktan lang ako kapag nakita kong wala siyang pakialam.
"Mahal na mahal kita eh."
Natawa ako, mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko nga alam kung bakit, dahil wala naman siyang ibang isinukli sa akin kundi sakit, tang-ina, ginayuma ata ako nitong babaeng to! Pinunasan kong muli ang mga luha ko saka huminga ng malalim saka siya muling tinignan at nginitian.
BINABASA MO ANG
Sticky Notes
Short StoryKapag kasi nagmahal ka ng totoo, lahat ng bagay na hilingin niya, kahit imposible kaya mong ibigay. Lahat ng sabihin niya gagawin mo kahit masakit at kahit gaano ka pa katalino, magpapaka-tanga ka talaga at higit sa lahat kapag nagmahal ka, hinding...