Chapter 9

3.4K 87 42
                                    

Chris---

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatingin sa pintuan simula ng lumabas dito si Chie. Naguguluhan ako sa mga oras na iyon dahil alam kong galit ako sa kanya at sa nagawa nito sa amin ni Nikki, pero, there is still a part of me na nangungulila sa kanya. Hindi ko din mapigilan ang emosyon ko habang kinakausap nito ang aming anak. Ewan kung dahil ba sa pakikipag-usap nito kay Christophe o dahil sa desisyon nitong lumayo.

Habang nasa malalim na pag-iisip ay tinawag ang aking pansin ng pag-ungol ni Christophe kaya ganun na lang ang pagkataranta ko dahil higit dalawang linggo na itong comatose. Agad akong tumayo at lumabas ng ICU para tawagin si Nikki, pero wala ito. Naisip ko na baka kasama niya si Chie kaya ako na mismo ang tumawag ng duktor. 

Hindi nagtagal ay nakapasok na muli ako sa ICU kasama ang duktor ganun din ang mga nurse na kaagapay nito. Nagulat ako ng makita kong nakadilat na si Christophe, pero nakita kong lumuluha ito. Agad naman siyang tinignan ng duktor at nang matapos iyon ay kinausap ako at sinabing bumubuti na ang aking anak. Habang kausap ko ang duktor ay biglang nag-wika ang aking anak...

"Daddy Chie..."

Napalingon ako at ilang saglit pa ay lumapit ako dito...

"Christophe?" pagtawag ko dito pero nakatulala lang ito at patuloy pa din tinatawag ang kanyang daddy Chie.

Napatingin ako sa duktor na wari ba'y nagtatanong at mukhang nakahalata naman ang duktor at sinabi nito sa akin na normal lang sa mga kagigising lang na pasyente mula sa pagka-comatose ang nangyayari kay Christophe. Sabi din ng duktor ay nag-aadjust pa ang katawan at maging ang utak nito at mga ilang araw lang ay babalik na din ito sa dati.

Nang makalabas ang duktor ay uupo akong muli sa tabi ni Christophe at hinaplos ang ulo nito, pero nahabag ako ng pumatak ang luha nito at sinabing...

"Huwag mo akong iwan daddy Chie..."

Dahil sa nakikita ko kay Christophe ay lumabas ako saglit ng ICU para tawagan si Chie. Naka-ilang dial na ako sa kanyang number pero unattended ito. Sinubukan ko ding tawagan ang mga magulang nito, pero ang sabi nila ay wala pa din si Chie sa kanilang bahay. Nang tignan ko ang oras ay pasado alas-onse na at nagtaka lang ako dahil halos dalawang oras na din simula ng lumabas si Chie sa ICU. Sinubukan kong tumawag sa bahay namin ni Chie pero sinabi ng kasambahay namin na dalawang linggo na daw itong hindi umuuwi doon.

Pumasok muli ako sa ICU para tignan si Christophe, pero ganun pa din ito. Tinatawag pa din niya ng paulit ulit si Chie. Ilang saglit pa ay pumasok na si Nikki at nagtaka naman ako dahil namumugto ang mga mata nito...

"Nikki saan ka galing? Nagising na si Christophe!" Masayang bati ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin, pero halata na pilit lang ang mga iyon. Matapos nun ay lumapit siya kay Christophe at hinaplos ang ulo nito. Napangiti na lang ako ng makita kong napaluha ito. Marahil luha ito ng kaligayan dahil nalagpasan ng anak ko ang matinding pagsubok dito.

Tinanong ko si Nikki kung nakita niya si Chie at sinabi naman nito na kanina pa daw ito nakaka-alis. Hindi ko alam kasi parang nag-iba siya ng mga oras na iyon, pero binalewala ko na lang ito at nagpaalam munang lalabas ng ICU para tawagan ang mga bestfriends ni Chie.

Hindi ako makapaniwala na dalawang linggo na din nilang hindi kinakausap si Chie at hindi nakikita. Sinabi sa akin ni Kris na galit sila ni Maui kay Chie sa nagawa nito sa amin ni Nikki kaya minabuti nilang layuan na din ito. Bumalik na lang ako sa kwarto at talagang parang nakukunsenya ako dahil patuloy pa din ang pagtawag ni Christophe sa kanyang daddy Chie...

Faces of Love: Change of Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon