7

5 0 0
                                    

Iris' POV

Aburido akong bumalik sa kung saan kami nakatambay ni Pat kanina bago dumating yung baliw na Siega na yun.

"Ano ayos na ba kayo ni Lover boy?", seryosong tanong ni Pat sa akin. Pero makikita mong nagpipigil siya ng tawa.

"Ikaw Patricia ha! Wag moko maasar-asar tungkol sa Siega na yun. Bwiset talaga!", sabi ko sa kanya.

At ayun di na napigilan ng bruha ang humagalpak sa tawa.

"HAHAHAHA.. You should have seen your face nung kinonsensya kita dahil kay Asher.. HAHAHAHA.. Para kang tuta na napagalitan ng amo dahil nginatngat mo yung paboritong sapatos niya.. HAHAHA..", sabi niya in between her laughs.

"Ha-ha.. Tapos ka na tumawa?", I sarcastically asked.

"Pfft..", pigil niya sa tawa niya.

Napatingin ako sa wrist watch ko and 11am na pala. 1hr nlng lunch break na.

"Punta na lang tayo ng cafeteria. Dun na natin sila hintayin. Itetext ko nalang sila. Medyo nagugutom at nauuhaw na rin ako.", sabi ko kay Pat.

"Dinalhan ka naman ni Asher ng foods and drinks ah?", sabi niya.

"Kulang to. I want to eat more dahil naiinis ako.", sabi ko.

"Okay. Sabi mo ee.", sabi niya at inayos ang gamit niya then we headed to the cafeteria.

Pagpasok namin sa cafeteria, dumiretso na kami sa reserved spot namin mula pa nung 1st year kami.

"Cr lang ako.", paalam ni Pat.

"Okay sure. Text ko lang sila.", sagot ko.

Nakaalis na si Pat papuntang CR. Then I texted the squad.

To: #SQUADward

Nasa cafeteria na kami ni Pat. Hintayin nalang namin kayo dito.

Sent!

"Natext mo na sila?", tanong ni Pat. Nakabalik na pala siya. I didn't notice.

"Yeah. Order lang ako. What do you want?", tanong ko.

Para namang nagulat si Pat sa ginawa ko. Napatayo siya then kinapa ang leeg at noo ko.

"H-hey! Patricia! Wth?", awat ko sa kanya.

"Sorry. Himala kasi e. Ikaw mag-oorder tapos tinanong moko anong gusto ko. Usually kasi, "Pat. Paki-order naman ako neto. Tapos ito at ito then ito. Tapos order ka na rin ng sayo. Thanks." Nakakagulat lang alam mo yun? Isusulat ko talaga to sa diary ko.", sabi niya.

"Pat naman. Ngayon lang ako nasa mood mag order, gumaganyan ka pa. Ano na? Ano gusto kainin?", tanong ko.

"Pasta. Fries. Float and...", sabi niya.

"Pizza!", dugtong ko.

"Yeah!", sabi niya tapos nag-apir kaming dalawa.

Pareho kasi kami ng favorites ni Pat pagdating sa foods. Siguro dahil sabay kaming lumaki kaya ganun.

"Would that be all Ma'am?", tanong ko at nag ala-waitress kuno.

"Yes. That would be all. Thankyou.", maarteng sabi ni Pat. Tapos sabay kaming tumawa.

Humayo (wow lalim! Haha) na ako para umorder. Mahaba-haba pa naman yung pila, I guess matatagalan pa ako. So ayun pumila na ako.

Nagdadaldalan yung mga babae sa harap ko which is second year pa ata based on the color of their ID lace, nung biglang napalingon sa akin yung isa.

"OMG!", sabi niya sabay kalabit sa kasama niya.

"What?!", sabi nung kasama niya at lumingon na rin. At nung nakita niya ako, halos lumuwa yung mga mata niya.

"Miss Iris!", sabay nilang tili.

"Uhm.. Hi?", bati ko sa kanila.

"OMG! Hello po!"- G1(Girl 1)

"Kanina pa po ba kayo jan?"- G2

"No, not really. Kakapila ko lang.", sagot ko.

"Ahm... Mauna na po kayo sa amin Miss Iris.."- G1 tapos nag give way sila para mauna ako sa kanila.

"Uhmm.. No thanks. I'm okay. I'll just wait for my turn.", sabi ko sa kanila.

"Sure po kayo? Baka po mapagod ka sa kakatayo medyo mahaba pa po ang pila."- G2

"I'm okay. I'll just wait for my turn. No need to worry.", sabi ko then flashed my sweetest smile. (P.S. totoong smile po yan.)

"OMG! Ang pretty mo po talaga! Lalo na sa malapitan. We're one of the members of DIA club."- G1

"DIA club?", tanong ko. Ano yun? Di ata ako inform na may ganun palang club dito sa school. Ano ba yun? Drama In Academy? Haha what a silly name for a club.

"Opo. Dawn Iris Angela Club."- G2

Seriously? May club ako? Or should I say fans club? Haha

"Seriously?", tanong ko.

"Opo!", sabay na sabi ni G1 at G2.

"Anyway, what's your name girls?", tanong ko.

"Ako po si Krisha. And this is Lia, my PA and bestfriend at the same time.", sabi ni G2.

"Really? I also have a PA, her name is Pat, she's my bestfriend too.", sabi ko.

"Opo. Kilala po namin siya!", masigla at sabay na sabi ng dalawa.

"You girls are cute.", sabi ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa at parang may bright idea na naisip. Kita ko nga yung light bulb sa mga ulo nila ee. Haha

"Uhmm.. Miss Iris.. Can we take a photo with you? Okay lang po ba?", tanong ni Krisha.

"Oh. Sure! And please, just call me Ate Iris. Wag na Miss. Feeling ko teacher ako ee. Haha", sabi ko sa dalawa.

"Talaga po Miss--- I mean Ate Iris?", tanong ni Krisha.

"Yeah.", sagot ko.

Inilabas na nung dalawa yung phones nila at ayun nag groufie kaming tatlo habang nasa pila.

"Thankyou po Ate Iris.", sabi nilang dalawa.

"No problem girls. O turn niyo na.", sabi ko ng mapansin na sila na oorder.

After nila umorder, nagpasalamat ulit sila bago umalis.

"Thankyou po ulit Ate Iris.", sabi ni Lia.

"Fans mo kami solid. Shipper din po kami ng Irish.", sabi ni Krisha.

"Irish?", takang sabi ko.

"Opo. Iris and Asher! Yiee! Bye Ate!", sabi ni Krisha.

"Bye po!", sabi in Lia.

Wtf? Irish? Me and that Siega? No hell way!

Napailing nalang ako at umorder na.

~
That's all update for now!

#IriSh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon