Ikalawang Kabanata.

69 2 0
                                    

Ikalawang kabanata.

{ Colleen }

Zzzzz.

Teet~teet~teet~teet~tee---

Ugh. Isang bagong araw na naman. Naramdaman ko ang sikat ng araw sa mukha ko. Pinikit ko ang mga mata kong kailangan pa ng pahinga.

Ano bang gagawin namin ngayon? Pinilit kong inalala ang mga nangyari kahapon nang...

"... Magkaibigan lang naman tayo diba?"

........
...........
.............
...............
.................
.................. !!

LECHE FLAN!

AYAN NA NAMAN!

Marahas akong dumilat dahil sa naalala ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil diyan! Tinalukbong ko ang sarili ko sa kumot.

"Argh!"

Gustong gusto ko na kalimutan iyon! Ayoko nang maalala! Shet! REWIND REWIND!

Alam niyo ba kung gaano kadaming beses na akong pinuna niyan?!

Me be like last night:

Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba
Magkaibigan lang naman tayo diba

Amp.

AMP.

I need a mind wipe! I screamed internally in my pillow. Ergh! Multo ba ito?! Dumadating lang pag ayaw ko?!

"... Magkaibigan lang naman tayo diba?"

MULTO NGA.

"That's it! Ginulo na niyan ako kagabi, hindi na ako magpapaapekto ngayon!" Sabi ko pagkatapos ko bumangon sa kama. Hanggang sa may naalala ako.

"Alam mo, masama ang magsinungaling."

"..........."

Teka nga. Diba masama ang magsinungaling? Kakasabi nga lang sa akin yun eh. Hindi ko talaga masasabi na hindi na ako magpapaapekto kung ngayon palang, ginugulo na ako sa ganitong oras ng umaga. Hay. I give up. Wala ako mararating kung lagi nalang ako magpapaapekto. Napahiga ulit ako, sprawled on the bed.

Ano ba ang meron sa pangungusap na iyan na nagagawa akong guluhin? Hindi naman ako nadadala sa mga sinasabi ng mga tao sa akin eh. Pero....

"... Magkaibigan lang naman tayo diba?"

"........."

Wala namang malisya eh. Tsaka, magkaibigan lang naman talaga kami. Pero habang inuulit ko ang pangungusap na iyan,

I can't help but feel stings. Stings in my.... heart?

Nanahimik ako. Nakatingin sa dingding ng kwarto, magulo ang buhok at nakahilata lang.

Munting PangarapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon